The plane took off and a woman, who I believe is a flight attendant, approached us after the captain announced that the plane is steady and that we can move freely around the plane.
I eyed her up and down, not caring if she notices that I'm unpleasantly looking at her.
She's wearing a black silk scarf that has gold accent with a white buttoned-up short sleeved shirt tucked in a knee-length black skirt that has a slit on the left side and a high heels.
Tall, big breasts, smooth skin. Enzo's typical type in woman.
Kapag nalaman ko na he did it with this woman ay tatalon talaga ko sa eroplanong ito.
Lalong sumingkit ang mga mata ko nang magkatinginan kami mata sa mata.
Narinig kong tinanong niya ako kung may gusto ba ako pero hindi ko siya sinagot at nanatili akong nakatitig ng matalim sa kanya.
"She'll have water." Enzo said.
I glared at him next kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. I don't want water, I want her gone!
Humarap ang babae sa kanya at ngumiti. "And you sir? What will you be having?"
I crossed my leg intentionally showing off my right leg and leaned my back on the seat comfortably.
Enzo's eyes drifted on my leg. "I'll have scotch, please." Sagot niya sa kanyang flight attendant without straying his eyes off my leg.
Pinigilan kong ngumiti kahit nagca-cartwheel na ang puso ko. At least his attention is now on me.
Sinikop ko ang buhok ko at inilagay sa isang gilid. Napatingin naman si Enzo sa aking buhok ngayon saka ko siya tinaasan ng isang kilay.
Tumingin ako sa babae na nakatuon padin ang pansin sa lalaking kaharap ko. "Actually I want scotch too and keep 'em coming." I said at nakuha ang kanyang atensiyon.
Hindi agad siya sumagot at tumingin pa muna kay Enzo na umiling sa kanya.
"Just water, Jules. Thanks." He said.
I scoffed at him. Who does he think he is? Bakit tinanong pa ako ng babae kung anong gusto ko kung siya rin naman pala ang masusunod?
"That's not fair. You can drink alcohol while I can't? What's your deal?" Inis kong tanong.
He kept on fidgeting on his seat and after a little while, he pushed a button on his side and a table electronically appeared in front of us.
Now I can just see his upper body. Natatakpan na ang kalahating bahagi ng kanyang katawan dahil sa nakaharang na lamesa.
Gusto ko sanang patanggal dahil ayoko ng may harang sa aking paanan pero dumating na ulit ang babae at inilapag sa harap ko ang bottled water na may kasamang baso na walang laman. At kay Enzo ang order niyang scotch.
Inikot-ikot muna niya iyon sa lamesa bago nilagok ng minsanan saka itinaas iyon sa babae para humingi pa ng isa.
Tinignan ko lang siya ng kunot noo hanggang sa maka-apat na siyang baso samantalang hindi ko man lang ginalaw ang tubig sa aking harapan.
Binuksan ko ang bottled water saka inilapit sa kanya. Sa tingin ko ay mas kailangan niya pa iyon kaysa sa akin.
Tinitigan niya lang ako at tinuro ko ang tubig sa kanya. I know he's not yet drunk and he's still far from being drunk but I want him sober because I'm gonna ask a very critical make or break question later.
"I'm fine." Tipid niyang sagot pero ininom parin ang tubig na inilagay ko sa kanyang harapan.
Hinintay ko pang matapos siyang uminom bago magtanong dahil baka mabuga niya sa akin ang tubig kung sakali.
BINABASA MO ANG
Restraint Heart (Eligible Heiress #1)
RomanceEligible Heiress Series Book 1 [Completed] You might have heard the expression, "The heart wants what the heart wants." But what happens when your heart wants someone not appropriate in the circumstances? Is it enough to restrain your heart? The st...