Chapter 17

22.4K 382 10
                                    

AAF called me early in the morning and told me that they will deliver the sofas today.

That made me smile. Finally, some color to liven up this office. Kung hindi lang sa mga bulaklak na pinapadala ni Enzo ay wala pa rin buhay ang office hanggang ngayon at hindi ko na talaga ito matagalan.

Walang araw ang lumipas na hindi nagpadala ng bouquet si Enzo. He is spoiling me too much with these blue flowers.

He said that kahit hindi kami nagkikita every day, at least I'll think of him. And he's right. He never left my mind.

Dumating ang mga nag-dedeliver ng sofa ng bandang hapon, at tuwang-tuwa ako that the sofas' color compliments the flowers.

Nakaupo ako sa bagong sofa while proofreading some projects nang may kumatok sa aking opisina.

"Yes?"

"Wow. Your office looks great with those sofas." A man's voice echoed in my office.

Napalingon ako agad sa boses na iyon at napatayo. "James!!"

Sinalubong ko siya ng yakap at mukhang nagulat siya sa aking ginawa kaya mabilis din akong kumawala sa kanya and sheepishly smiled.

I'm just so happy to see and know that he is okay.

He smiled apologetically. "I'm sorry I went MIA to you. Forgive me?"

I don't know why he went MIA, but I'm not mad or anything. Alam ko na he's a busy man at marami siyang ginagawa. Nag-worry lang ako sa kanya dahil akala ko ay napano na siya.

"That's okay. I know you're busy. Are you alright though? Bigla ka nalang umalis pagkahatid mo sa akin sa condo 'nung sabado."

Nagkamot siya ng ulo. "Yeah. Yeah. Sorry about that. Asshole move."

"Did you received my note? Pinuntahan kita sa office mo 'nung Monday but your blonde secretary told me that you're out for a lunch meeting." I pouted after saying that.

He nodded. "I did. And, thanks for the food. Kinain ko nung dinner."

Naglakad-lakad siya sa aking opisina at umupo sa bagong sofa. Umupo naman ako sa isa pang bagong sofa kaharap niya at nakangiting tinignan siya ngunit nawala iyon nang makita ko na nagdilim ang kanyang mukha.

"James?" I asked, concerned.

Sinundan ko ang kanyang matalim na mga titig at nakita kong nakatuon iyon sa mga bulaklak na nakalagay sa isang clear na vase na nasa lamesa sa gitna naming dalawa.

Napakunot ako ng noo dahil sa kanyang reaksiyon. Ayaw niya ba ng mga bulaklak? Or, allergic siya?

"James." I called him again.

Nilipat niya sa akin ang kanyang mga mata. Walang emosyon ang mga iyon.

"Let's go out and have a dinner. I'm hungry. Come on." Tumayo siya at hinila ako.

Hindi naman na ako nakapagreklamo at mabilis na kinuha nalang ang aking bag at sumunod sa kanya palabas.

Iniwan namin ang aking Audi sa building. Ang sabi niya ay babalikan nalang namin 'yun mamaya pagkatapos kumain.

Medyo nag-lighten na ang kanyang mood sa kasagsagan ng aming dinner. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil bumalik na ang happy-go-lucky attitude niya.

Hindi ko na siya tinanong kung bakit bigla nalang nagbago ang kanyang mood kanina sa aking opisina at hindi ko na rin binanggit sa kanya ang tungkol sa bulaklak dahil baka sumama lang ulit ang kanyang mukha.

Nakabalik ako ng condo late at night. I'm drinking coffee in bed while browsing my e-mails on my laptop when my phone rang.

I answered it immediately not looking at the caller.

Restraint Heart (Eligible Heiress #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon