"You're not going to work today?" Hindi ko makapaniwalang tanong nang sundan at makita siya sa kanyang kitchen.
He was rummaging his double door fridge and his back is on me. The island bar is separating us as I was standing behind it.
Nakita ko na may kinuha siyang container at inilagay iyon sa microwave para initin.
Tahimik na pinagmasdan ko siya doing whatever habang nakatayo pa rin sa may bar. Nang matapos siya ay inilapag niya sa bar ang pagkain saka siya lumapit sa akin.
Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking magkabilang baywang at binuhat ako ng walang hirap para maupo sa high stool na bar.
"Eat up." He coolly said, gesturing at the heated up food in front of me.
Tinignan ko ang pagkain na hinain niya. This was maybe the food he cooked last night for us na hindi na namin nakain. It looks yummy though, marunong din pala siyang magluto.
"Aren't you going to join me?" I asked and looked at him to see that he is pouring an orange juice into two glasses.
"I am. We didn't had dinner last night and I'm starving."
Inilapag niya sa aking gilid ang baso ng orange juice at isa pang baso na may lamang tubig.
"Thank you. Why didn't you eat dinner last night? Or ginising mo sana ako para nakakain tayo." I guiltily said.
Nakatulog ako while we're hugging each other last night sa sofa at nagising nalang ako sa kanyang kama. Hindi tuloy kami nakapagdinner.
He shrugged his shoulders. "You fell asleep again last night on the sofa so I carried you up to my room. You look really tired and I didn't have the heart to wake your peaceful sleep."
I felt my cheeks heated up and just bowed my head to eat. Hindi ko man lang naramdaman na binuhat na niya ako paakyat ng kanyang kuwarto sa sobrang pagod.
"That doesn't explain why you didn't eat dinner." Sagot ko.
"I'd rather be beside you and watch you sleep than eat alone."
How can he say things so sweet without so much effort? Parang natural na lang sa kanya. Is he always like this even with the other women he's been with? I'm so curious that my jealousy is striking again so I just pouted my lips to hide it.
We we're sitting on the outdoor sofa in his backyard under a pergola that has a paver patio at kinukulit ko siya sa paparating niyang birthday.
Ayaw niya mag-celebrate in any way. Sabi ko mag-dinner kami at umoo naman siya pero bigla rin niyang binawi nang sinabi ko na pagdadala ko siya ng cake.
"Why???" I whined. Pabalag pa akong sumandal sa sofa at sumipa-sipa. Lumipad pa ang isang tsinelas na suot ko.
Hinubad ko na ang white sneakers ko kanina pagkatapos naming kumain at pinahiram niya ako ng kanyang extra na tsinelas. Mukha akong si Mcdonald's dahil sa laki niyon pero hindi na ako nagreklamo.
Hinawakan niya ang aking binti para itigil ko ang paghampas ko ng aking mga paa. Pero I'm so stubborn at nakuha ko pang ilayo sa kanya ang aking binti dahilan ng pagkakalaglag ng kanyang kamay.
"Baby!" Pagbabawal niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin pero hindi siya nagpaapekto. Mukhang hindi ko siya mapapapayag sa pagbubuwisit ko. Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan para madala siya sa The Soft.
"Let's go have a drink then. No cake, just drinks. My treat." Alok ko na malapad ang ngiti sa kanya.
Para na akong bipolar nito. Kanina lang pinagbubuwisitan ko siya, nagagalit-galit pa ako tapos biglang ngingitian ko siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Restraint Heart (Eligible Heiress #1)
RomanceEligible Heiress Series Book 1 [Completed] You might have heard the expression, "The heart wants what the heart wants." But what happens when your heart wants someone not appropriate in the circumstances? Is it enough to restrain your heart? The st...