Chapter 28

18.5K 316 9
                                    

Bumalik ako ng mansyon na naiiyak-iyak parin. I tried to stop my tears but they kept on rolling down my cheeks. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

When I saw James before looking lifeless, I did my best to give him a breath and pull him back with me to life.

Wala akong ibang hiniling kundi ang bumalik ang happy-go-lucky James, pero paano nalang ngayon when I'm the reason of why he's so broken?

Tuloy-tuloy akong pumasok sa mansyon at dumiretso sa aking kuwarto. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung I-tetext ko ba siya, tatawagan, o ang puntahan siya. Pero ano naman ang sasabihin ko? Will he even want to talk to me?

Humiga ako at niyakap ang aking unan. Huli ko nalang natandaan ay ang pag-iisip kung makakausap ko pa ba ulit si James.

Nagising ako sa katok sa pintuan ng aking kuwarto. Tumingin ako sa may pintuan at nakitang sumilip doon si Manang Josie.

"Hope, hija. Pinapatawag kana ng Lolo mo. Magtatanghalian na kayo. Ikaw nalang ang kulang sa hapag."

Hindi ko na nakuhang balikan at kausapin si Lolo pagkatapos ko makausap si James kaninag umaga. Paano pa ako mag-kukwento sa kanya nito? Ayoko siyang mag-alala.

"Bababa na Manang." Walang gana kong sagot.

Matamad akong gumalaw at tumayo sa pagkakahiga. Parang ang bigat ng katawan ko.

I went inside my bathroom and checked myself on the mirror. Nakatulugan ko ang pag-iyak kaya tuloy bahagyang namumugto ang aking mga mata. How can I hide this from my sisters and Lolo? Hindi naman puwedeng mag-shades sa harap ng hapag.

Ang buhok ko ay hindi rin marunong makisama ngayong araw kaya pinusod ko nalang ito. I brushed my teeth and washed my face saka bumaba at nagpunta sa dining room.

Nakaupo na si Lolo sa kabisera at ang dalawa kong kapatid sa kaliwang bahagi ng lamesa kaya umupo na rin ako sa aking puwesto sa kanan ni Lolo.

Nagdasal at nagsimula na kami kumain. Hindi ako nagugutom kaya hindi na ako masyadong naglagay ng pagkain sa aking pinggan. Hindi naman sila nagtanong kung may problema ba ako o kung bakit namumugto ang aking mga mata kaya pasimple nalang akong kumain.

"Kamusta ang paglalakad, apo? May nakita ka bang pagbabago rito sa Hacienda Hermosa?"

"Um. Masarap po ang simoy ng hangin dito hindi katulad sa Maynila." Pinilit kong ngumiti at hindi ko na sinagot si Lolo tungkol sa kung may pagbabago ba sa Hacienda dahil sa totoo lang ay hindi ko na napansin kung mayroon man.

Tumikhim si Lolo at iniba ang usapan. "Nabanggit ng mga kapatid mo na napag-usapan niyo raw na kumuha ng mas malaking condominium sa Maynila. Nakahanap na ba kayo?"

Tinignan ko ang mga kapatid ko at ngumiti sila sa akin. They are trying to make me feel at ease kaya binigyan ko sila ng isang tipid na ngiti at sinagot si Lolo.

"Hindi pa po Lolo. Pero gusto po namin sana lumipat dahil dalawa lang po ang kuwarto sa condo ko at gusto rin po namin na magkakasama parin kami sa iisang condo. Iniisip ko lang po ang condo na binili niyo kung iiwan ko na, bigay niyo po iyon sa akin."

"Ah don't worry about it, apo. You three can find a new condo. Mas maganda nga na magkakasama kayo sa Maynila at hindi na ako masyadong mag-aalala sa inyo, lalo na kay Ace."

"How about my condo, Lo?"

Kung lilipat kami ay wala ng titira sa condo ko. Ayoko naman na ibenta 'yon.

"I gave it to you, it's your property already Hope. You can do whatever you want with it." Malaki ang ibinigay na ngiti ni Lolo sa akin pagkasabi 'non.

Restraint Heart (Eligible Heiress #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon