Chapter 33

18.2K 283 6
                                    

Maaga palang ay ready na ako para bumiyahe dahil gusto ko sana na sa mansyon na makapagtanghalian kasabay ni Lolo. Dadalhin ko ang Audi ko pauwi at ganoon din ang mga kapatid ko, though hindi kami sabay-sabay dahil may mga tinatapos pa silang gawain dito sa Maynila.

Bumaba na ako ng basement parking lot dala ang isang maliit na luggage bag nang magtext si Enzo at sinabing nandoon na siya.

Gusto niya daw akong makita bago ako bumalik ng Hacienda Hermosa kaya hinintay ko na muna siya bago ako umalis.

Pagbukas ng lift ay nakita ko kaagad ang kanyang itim na Lambo na naka-park sa tabi ng aking puting Audi. Presko siyang lumabas sa kanyang kotse at naglakad naman ako papunta sa kanya para mayakap siya.

"Morning." He said and kissed the top of my head.

Kumawala ako at matamis na ngumiti sa kanya saka ko pinindot ang open button ng remote ng aking Audi. Inilagay ko roon ang maliit kong luggage bag. Kahit na sampung araw akong mawawala rito sa Maynila ay may mga gamit pa naman ako sa mansyon kaya ang mga kailangan ko lang ang siyang dinala ko.

"You're really leaving. Tell me how to survive ten days without you, baby." Malungkot niyang sabi sa aking likuran.

Humarap ako sakanya saka hinawakan ang kanyang mga kamay at tipid na ngumiti. I invited him for Christmas but unfortunately, hindi siya pwede because of his early meeting at the 26th sa Cebu. He can't cancel dahil foreign investors ang mga kausap niya and I totally understand it.

"But you will come on birthday, right?"

He nodded. "Of course."

My smile widened. "It's just a week then. You won't miss me that much."

"I don't think so. I'll miss you so much." May lungkot sa kanyang mga mata pagkasabi niya noon.

I don't know how to respond to that because if I tell him that I will miss him too, for sure he will be more than sad. At pati ako lalo lang malulungkot. It's just a week. Mabilis lang 'yun.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi dahilan para hilahin niya ako at mariin na hinalikan.

Nagpatinaod nalang ako sa kanyang halik at inikot ang aking braso sa kanyang leeg para ilapit pa siya lalo sa akin.

He groaned and shut the door of my Audi, leaning me back on my car without breaking the kiss.

I'm melting with his kisses and my body starts to feel hot.

This is getting uncontrollable, but I can't pull away from him. I will miss him and I want to bring a piece of him with me so I can survive a week without him.

We halted from the kiss that we our doing when we heard a series of clicks from somewhere.

Lilingon palang sana ako kung saan nanggaling iyon nang bigla akong pigilan ni Enzo saka niya marahang isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Enzo.." I murmured on his shirt.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking kotse saka niya ako mabilis na ipinasok doon.

He crouched to level with my eyes and kissed me briefly.

"Drive a little faster until you're off the highway, okay? Call me when you can. Drive safe for me. I love you." He said hastily but calm.

With that, he shuts my door and tapped my car so I'll be off my way.

Hindi na ako nag-isip at nag-focus nalang sa pagdi-drive. I don't know what was that all about but my mind tells me to just listen to him, so I did.

Restraint Heart (Eligible Heiress #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon