Chapter 31

19.1K 274 40
                                    

Isang shake lang ang order ko at wala ng iba pa dahil sigurado ako na hindi ako makakakain ng maayos sa maraming tanong ng aking kaibigang si Jane at hindi nga ako nagkamali.

"So, how's Enzo's birthday? Na-surprise ba?" Dalawa sa madami niya pang tanong simula kanina.

She really wants to know every detail that happened last night. Nagtampo pa na hindi ko raw siya sinama para maka-bonding niya si Enzo. It's not my party though, it's Mason's.

She also asked me about the headline regarding me and James and I just told her that it was a fake news. There is nothing more than friendship that's going on between us at alam niya 'yun.

Apat na araw na pero hindi pa rin nakaka-move on ang mga tao at pinagpi-piyestahan na kami ni James ng media. All eyes are on us. Minsan, pati ang mga nagta-trabaho sa kumpanya ni James ay pinag-uusapan na kami. Hindi ko nalang pinapansin dahil wala naman akong mapapala.

I twirled the straw and sipped on my shake before answering her.

"It was eventful." Maikli kong sagot.

Madami talagang nangyari pero it's not all good kaya ayaw ko nalang alalahanin pa 'yung not good part na iyon.

Dalawang beses pa siyang napabalik ng tingin sa akin bago nakapagtanong ulit.

"You mean something happened already?" Kuryoso niyang tanong saka pinakititigan ang aking buong mukha.

Nothing like that happened yet, alright. Well, except that one time on his backyard which is unexpected but still, not on that part.

Uminit ang pisngi ko at napahawak ako sa aking mukha saka napanguso nalang sabay hawi ng buhok kong mahaba.

"So ano? Meron nga?" Excited niyang tanong at umarte na parang nasusundot ang kanyang puwet.

Hindi ko siya sinagot pero dahil sa sobrang kakulitan niya ay napilitan nalang ako na magkuwento tungkol sa nangyaring surprise kay Enzo.

"He was surprised, okay. Lalo na sa cake na may kandilang 3 at 5." Natawa pa ako ng bahagya pagkasabi 'non at siya naman ay napahampas sa lamesa pagkatawa.

"Oh my God, friend. Baliw ka talaga. Akala ko ba ayaw niya ng pinag-uusapan ang age niyo dahil insecure siya? E bakit pinamukha mo pa na 35 na siya?"

"It wasn't my idea! 'Yung kaibigan niya lahat ang may pakana 'nun." I said defensively.

Alam ko naman na ayaw niya ng cake because it reminds him of our increasing age gap. He's so insecure about it kaya nga umayaw siya sa dinner proposal ko na may kasamang cake. Hindi nalang talaga niya na-anticipate ang surprise ni Mason kaya tawang-tawa ako lalo na may kandila ang cake.

"Isa pa, ako naman ang nag-blow ng candles." Dagdag ko.

Bumilog ang mga mata niya and she sputtered some of the food she's eating pero mabilis naman niyang pinunasan ang kanyang bibig at nilinis ang nadumihang lamesa saka bumaling sa akin.

"You blew the candles? HIS candles?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Oh shocks. Feeling ko sasabog na sa init ang mukha ko sa mga kaberdehan niyang iniisip kaya inubos ko ang tubig na laman ng baso sa aking harapan.

"Shut up, Jane. Hindi ako katulad mo." I countered.

Napapikit ako at napatawa ng malakas nang binato niya ako ng crumpled tissue sa may ilong. Mang-aasar pa e siya naman pala ang pikon. But as far as I know, hindi pa rin sila ni George hanggang ngayon. Pakipot pa kasi ang kaibigan ko.

Matagal pa bago humupa ang aking tawa at siya naman ay masama lang akong tinititigan.

Tumikhim ako and continued my story nang makabawi. Sinabi ko sa kanya na nagkaroon kami ng konting selosan at nag-usap lang sa bahay niya saka na niya ako inuwi.

Restraint Heart (Eligible Heiress #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon