IV

51 2 0
                                    

Selene Alcover

[ S O P H I A ]

Tinext ko na si Axel na sunduin na nya ko at agad din naman syang dumating. Aalis na sana kami nang dumating sina Mikoto. Naabutan pa nga kami. Haist!

"Oy, Axel. Long time no see ah?!" bati ni Mikoto kay Axel at ginawa nila ang handshake ng Eight's.

"Oo nga e. Tumigil pa kasi kayo edi dapat mga nagtatrabaho na tayong lahat ngayon." sabi naman nya. So, totoo talaga ang panaginip ko na nagkawatak-watak sila? Nasaan na kaya si... Psh. Nevermind.

"Hinanap kasi namin si Eli. Madami na ang nagsabing namatay sya dahil sa car accident pero hindi ako naniniwala." sabi ni Mikoto ulit. Napalingon pa nga sya sa pwesto ko at parang nagulat pa sya.

"Nerd, nandyan ka pala. Try mo kasing magvitamins para tumangkad ka naman." nang-iinsultong sabi niya sa'kin. Lagi na lang. Inirapan ko na lang sya at kinulbit ko na si Axel. Agad naman syang sumakay sa motor nya. Sumunod rin naman agad ako. Nagpaalam na rin sya kay na Mikoto na halatang nagulat. Isang nerd ang inangkas ni Axel na isa sa Eight's, isang napakahimala siguro nun.

"Hoy, nerd! Bukas yung laro natin." pahabol na sigaw ni Mikoto sa'kin. Nagwave na lang ako at nagthumbs up bilang sagot sa sinabi niya.

Dumating kami sa bahay ng mga alas-sais ng gabi. Pumunta na ko agad sa kwarto ko at nilock 'yun. Agad naman akong umupo sa kama ko at halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa nangyare kanina. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. I'm so insane. Natigilan lang ako sa ginagawa kong kabaliwan nang may kumatok.

"Kakain na daw." sabi ni Axel mula sa labas. Sinabi ko na lang na hindi ako kakain pero hindi sya pumayag. Pinilit nya ko at balak na nyang sirain ang pinto ng kwarto kaya pinagbuksan ko na sya.

Sumalubong sa'kin ang nakakunot noong si Axel. Masungit na nga, mainipin pa.

"Bababa ka o ako ang magbababa sayo?" pagbabanta nya kaya bumaba na ko kasama nya. Baka buhatin pa ko bigla e.

Nadatnan namin si Manang Rosie na nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Agad akong lumapit dito para tumulong. Ako na ang nag-ayos ng mga baso at kutsara't tinidor. Pipigilan pa nga sana ako ni Manang Rosie kung hindi ko sya nginitian. Makalipas ang ilang minuto, nagsimula na kaming kumain. Sasandok pa sana ulit ako ng kanin nang makita kong wala ng laman ang kaldero.

"Ang takaw. Ikaw na ang nakaubos ng kanin sa kaldero." sabi ni Axel. Seryoso? Ako ang nakaubos nun?

Sinamaan ko ng tingin si Axel. Napatawa na lang si Manang Rosie sa ginawa ko at sinamaan nya rin ako ng tingin. Sumisingkit rin lalo ang kanyang mga mata. Psh.

"Ako na po ang maghihimpil nitong nga pinagkainan natin." sabi ni Axel na ikinagulat ni Manang Rosie. Ngayon lang kasi naging masipag si Axel.

Nagpaalam na ko sa kanila at nagpunta na ako sa kwarto ko. Nagpalit na ko ng damit ko at naglinis na rin ng buong katawan. After that, I went to my study table. Gagawa pa ko ng excuse letter dahil hindi ako papasok bukas para magturo. May laro nga kasi kami nina Mikoto.

Kinabukasan, nagdala na ko ng extra t-shirt at pants. Pakiramdam ko kasi parang may mangyayare na naman sa'kin. Nakarating naman ako ng school ng matiwasay. Pumunta ako sa Dean's Office at iba na naman ang tao doon. Inabot ko sa kanya ang excuse letter ko para sa araw na 'to.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon