I

100 3 0
                                    

Ma'am Elizabeth

[ S O P H I A ]

                     Walong baitang ng hagdan na lang ang kailangan kong akyatin para marating ang silid-aralan. Pawis-pawis na ang mukha ko at nangangalay na din ang mga braso ko dahil sa tatlong makakapal na librong bitbit ko. Dalawang minuto na lang at tiyak na huli na ko sa klase ni Mr. Sarada. Medyo mainit pa man din ang ulo ng guro na iyon sa'kin, tiyak na sesermunan na naman nya ako at dadalhin na naman sa detention room.

                     Mabilis na kumaripas ako ng pag-akyat at labing-limang segundo pa lang akong nahuli sa klase ni Mr. Sarada, mahahalata agad mula dito ang pagkainis sa'kin. Nagbulungan agad ang mga kaklase kong parang bubuyog ng kung anu-anong bagay tungkol sa'kin at wala akong pakialam sa pinagbubulungan nila. I bowed in front of Mr. Sarada and said sorry for being late but as expected, hindi nya tinanggap ang paghingi ko ng despensa. Hindi na nya ako sinermunan dahil pinaderetso na nya ko sa detention room.

                     Napapabuntong hininga na lang ako habang naglalakad papunta doon. Masyado na yata akong maraming record sa detention room dahil lang kay Mr. Sarada. Sya lang naman kasi ang guro namin na galit na galit sa'kin. Hindi ko alam kung bakit sya galit na galit sa'kin. Marahil dahil ito sa nangyare noong kabilang taon. Halos hindi na kasi sya makasagot noong naglaban kami sa isang quiz bee.  Kasalanan ko pa ba na mas mabilis akong sumagot kaysa sa kanya. =____=

"Ikaw na naman Ms. Sophia. Pagsasabihan ko na talaga yang si Mr. Sarada. Ang init lagi ng ulo sayo." sabi ni Mr. Tañaga, ang nagpapataw ng parusa sa bawat estudyanteng kailangang madisiplina.

                     Psh. Hindi ko na lang sya binigyan pa ng pansin dahil alam nyang kilala ko sya at maaaring kilala nya rin ako. Tinanong nya pa ko kung bakit hinahayaan ko lang na gawin iyon sa'kin ni Mr. Sarada sa'kin samantalang mas powerful naman daw ako sa kanila pero hindi ko sya sinagot. Dumeretso na lang ako sa loob ng detention room at umupo sa isang sulok.

                     Hindi lang naman ako nag-iisa dahil may anim na lalaki pa akong kasama sa loob. Actually, lagi ko naman silang nakakasama rito dahil simula pa lang 'yon na ang plano. “Eight's” Walong tao na naghahari-harian sa loob at labas ng unibersidad na 'to. Mikoto, Seven, Warren, Max and Evan– sila lang ang laging makalasalamuha mo dito dahil hindi naman na nagparamdam sina Eli, Chinitsi and Axel ayon sa mga taong palaging nasa paligid nila mula nung mabuwag ang banda nila.

"Ikaw na naman, Iba ka talaga!" the boy amusely said. Sya si Seven, Seven Steve Alcover ang totoo nyang pangalan. Nakilala sya sa larangan ng car racing. Nagchampion last year sa car racing tournament all over the world. Well, he deserved it. Malinis siyang maglaro at wala sa bokabularyo nya ang pandaraya.

"What's new? Mas madalas pa nga 'yang si nerd dito kaysa sa'tin." pabirong sabi naman ni Warren. Warren Alcover,  magpinsan sila ni Seven. Music lover but music hates him a lot pero siya ang drummer ng bandang The Eight's noon.

"Psh. Ilang oras pa ba nating makakasama si Nerd?" naiinip na tanong ni Mikoto, Mikoto Gael Homes. Sya ang pinaka nakakairita sa lahat. Sungit ng gagong 'yan, daig pa ang babae kung makapms. Well, isa syang sikat na mananayaw. When he starts to dance tiyak na lahat ng kababaihan ay titili except me. Ayaw na ayaw nya sa presensya ko dahil dón.

"3 hours, 52 minutes and 47 seconds." simpleng sagot ko sa kanya at halatang nagulat sila.

                     Napatingin sa'kin sina Max and Evan, gitarista sa bandang kinabibilangan nina Warren. Actually, lahat naman sila magaling sa larangan ng musika except kay Warren. Magiging part ba sila ng pinakasilat na banda noon kung hindi di ba? Haist. Alam kong nagtataka at namamangha sila. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila. I decided to sleep for a while. Pinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko. I wondered, why they're looking at me like stranger? Wearing this shitty uniform, an eyeglass and braces were the reason. Yeah, I think so.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon