XIX

10 2 0
                                    

Rosie Ly Luger

[ S O P H I A ]

                   Hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa nangyari. Pagkababa ko sa punong dinaanan ko papunta sa kwarto ni Chinitsi, bumalik na ko sa Resto ni Superior.

                   Medyo nanlalamig ang kamay ko nang makarating ako sa VIP room na pinuntahan namin kanina dahil tiyak na malalagot ako kay Superior bukas kung hindi ko na sya maaabutan. Pinihit ko ang doorknob nang dahan-dahan. Buti na lang at naabutan ko pa sya roon. Sabagay, saglit lang naman akong nawala.

“Where have you been?” seryosong tanong niya habang umiinom ng wine.

“Dyan lang sa tabi-tabi," casual na sagot ko sa kanya habang lumalapit sa kinaroonan nya.

                     Naupo ako sa pwesto ko kanina at nakipagtitigan si Superior sakin. Parang tinatansya nya kung seryoso ako sa sagot na binigay ko sa kanya.

                     Pagkuwa'y ako na rin ang sumuko, “Fine! Sinundan ko si Nitshi at nalaman kong siya si Chinitshi Homes, ang kambal ni Mikoto Gael Homes.”    

                     Halata namang inaasahan na nya ang sagot kong iyon dahil hindi man lang sya nagtaka. Maybe, tama ako na nung una pa lang ay alam na nya kung bakit pumayag ako sa binigay nyang misyon sakin at isa pa, parang planado ang lahat.

                     I wonder, kung paano ba talaga sya mag-isip? Iba kasi ang takbo ng isip nya, di ko mawari kung ano ba ang totoo. Sinubukan nya lang ba talaga ako o may iba pa syang binabalak? Ang hirap kasing unawain ng mga pinapakita at pinaramdam niya. Parang ang lalim masyado to the point na naiisip ko na lang na planado nga ba nya at nasa control nya ang lahat ng nangyayari o sadyang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para gumulo at magkalapit-lapit kaming muli nina Mikoto?

“Masyado nang malalim ang gabi, sing lalim ng iniisip mo. Umuwi ka na at magpahinga.” sabi ni Superior na malapit na sa pinto ng VIP room.

                     Napabuntong hininga na lang ako dahil masyado na kong wala sa sarili at lumilipad na naman ang isip ko sa kung saan mang lupalop ng kawalan. Tumayo na ko at sumunod kay Superior. Good thing, parang binabalak nya kong ihatid sa bahay kaso hindi pala.

                     Nang makarating kami sa parking lot, agad syang sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Napamura na lang ako sa ginawa niya. Tsk! I hate him for doing this! Badtrip! Saan naman kasi ako sasakay di ba?

                     Pagkuwa'y naghintay na lang ako ng taxi para makauwi na ko sa bahay kaso wala na atang dumadaang taxi sa lugar na 'to kapag ganitong oras. Mag-aalas dose na rin kasi. Kanina ko pa rin napapansin na may mga matang nagmamasid sa'kin mula sa malayo. Kung sino man ang taong 'yon, malamang ay madami na siyang nalaman tungkol sa'kin. Maaaring alam na nya na ako si Eli at ang bumabagabag na lang sa kanya ay kung bakit ako nawala.

                     Nagkunware akong hindi ko siya napansin dahil gusto kong malaman kung sino siya. Alam kong hindi ito sina Mr. Sarada at Mr. Tañaga. Ibang iba kasing kumilos ang dalawang iyon. ‘..keep their target closer with them.’ 'Yan ang ginagawa nila sa'kin ngayon. Nakikipagmabutihan sila sa'kin. At hindi naman nakakatuwa ang bagay na 'yun lalo na ang panggugulo ni Mr. Sarada. Haist! Panibagong araw na naman para sa magulong mundo.

                     Makalipas ang isang oras na paghihintay, may naligaw atang taxi at laking pasalamat ko nang wala itong sakay. Pinara ko agad iyon. Sumakay ako  roon at nagpahatid sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. Marami na namang nangyari ngayong araw. Parang nakakapagod kahit hindi naman mahirap ang ginawa ko. Haist!

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon