VIII

47 2 0
                                    

Evil Superior

[ S O P H I A ]

Dalawang oras at labindalawang minuto na kong naghihintay sa loob ng convenience store na malapit sa village namin pero wala pa ring Evil Superior na dumarating. Sabado ngayon at walang pasok. Medyo sinisipon pa rin ako at medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pinilit ko lang na pumunta dito dahil magdedate daw kami. Psh. Ang daming alam nun.

Nagdrama pa nga kagabi sa'kin e. Nalaman kong nakipagbreak sa kanya si Tita Dayne kaya sya napadalaw sa school kahapon. Malandi naman 'yun. Ilang beses ko nang nakitang may kasamang ibang lalaki iyon at lagi kong sinasabi yun kay Superior kaso hindi sya naniniwala. Tanga na nga bulag pa. Nasaan na ba 'yun? Lumingon ako sa pinto at saktong pumasok ang isang lalaki. Nakat-shirt itong kulay gray at nakasulat doon ang organization na kinabibilangan naming dalawa. Alam ko ring nakasulat ang pangalan nito sa likod ng t-shirt. Nakablack jeans din sya at nakarubber shoes na puti. What a coincidence? Parehong- pareho kaming nakat-shirt na gray. Plain nga lang ang akin. Nakanerdy look rin lang ako. I used a cosmetic even though wala ako sa School. Baka may makakita sa'kin. Mahirap na.

"Ginaya mo pa talaga ang suot ko Sophia?" mayabang na tanong ni Superior sa'kin nang makalapit sya sa'kin. Binatukan ko nga agad. Nagtaka pa sya kung bakit ko ginawa 'yun.

"Ikaw kaya ang paghintayin ko ng dalawang oras at mahigit? Feeling bagets naman kasi." naiinis na sabi ko sa kanya. Humingi naman agad sya ng tawad. Nasiraan daw kasi 'yung taxi na sinakyan nya at sobrang traffic rin.

Makalipas ang ilang minuto, inaya na nya kong umalis dun. Kinuha nya rin ang susing hawak ko at dumeretso agad sa motor kong nakaparada sa labas lang ng convenience store. Regalo nya sa'kin iyon noong debut ko. Sumakay naman sya rito at inabot nya sa'kin ang helmet. Sinuot ko naman ito at sinuot nya rin ang isa pa. Sumakay na rin ako at pinaandar na nya.

Dinala nya ko sa isang karinderya at dun kami kumain ng tanghalian. Tanghali na pala. Umorder na sya ng pagkain at naghanap naman ako ng mauupuan. Agad rin akong nakahanap. Self-service rito kaya habang naghihintay sa pagdating ni Superior, kumuha na ko ng mga kutsara't tinidor pati na rin ng mga baso. Pagbalik ko sa upuan namin sakto namang nandun na rin sya. Tinulungan nya ko at sya na ang naglagay sa lamesa. Umupo na lang ako sa upuan.

Isang order ng bulalo, adobong manok, bicol express at dalawang order na kanin ang mga inorder nya. Tiyak na mabubusog kaming dalawa dito. Umorder rin sya ng fresh buko juice. Sabay kaming sumandok ng bulalo at sabay rin kaming sumubo ng kanin kaya natawa naman kami agad. Nagbulungan pa nga 'yung mga babaeng nasa kabilang table. May crush pa yata kay Superior kaya kung makabash sa'kin kala mo mga perfect. Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako. Sabay kaming natapos ni Superior at sabay rin kaming napadighal. Natawa na lang ulit kami. Nagpahinga muna kami saglit bago umalis.

Sunod na pinuntahan namin, isang park. Cloudy day ngayon kaya hindi mainit. Mahangin din dito dahil sa mga punong nakatanim. Maraming bata rin ang naglalaro at nagtatakbuhan rito. Naalala ko tuloy na hindi ko naranasang magpunta sa mga ganitong lugar noong bata ako. Kung kailan matanda na ko saka pa ko dinala ni Superior sa mga ganitong lugar. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na bumabawi sya sa'kin. Naglakad lang kami nang naglakad hanggang sa magsimula na syang magkwento. He told me about his past. Nalaman ko rin na nakipagbreak si Tita Dayne sa kanya dahil napagtanto nito na mahal pa ni Superior ang ex wife nya.

Kwinento nya sa'kin kung paano namatay si Mama habang nasa bisig nya ito. Naisip ko naman na iyon ang dahilan kung bakit hindi nya naiparamdam ang pagmamahal ng isang ama sa'kin, sa'min ni kuya. Lagi na lang syang busy sa trabaho noon, hanggang ngayon naman ganón pa rin sya. Always busy at nagpapayaman.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon