Seven Steve Alcover
[ S O P H I A ]
Lunes, unang araw na naman ng panibagong work day. Sinipag akong maglakad ngayon papuntang paaralan. Malapit lang naman talaga ito sa village na pinagtatayuan ng bahay namin. Tatlong kanto lang ang lalampasan bago makarating roon. Madaming pasikot-sikot sa lugar kaya hindi malayong maligaw ako.
Sa pinakaunang kanto, nakita ko si Mr. Sarada. Nakatayo ito at may kausap na lalaki. Mahahalata namang nagtatalo sila. Hindi masyadong klaro ang narinig ko pero parang inuutusan ni Mr. Sarada na ipanalo nung lalaki ang Car Racing na gaganapin sa sabado.
Nakatalikod sa pwesto ko ang lalaki kaya hindi ko ito makilala. Madadaanan ko pa man din sila kaya babalik na lang sana ako sa paradahan ng tricycle nang tawagin ako nung lalaki. Si Seven pala. May sinabi pa si Mr. Sarada kay Seven na hindi ko naman narinig dahil medyo malayo pa ko sa kanila bago umalis. Nauna na itong maglakad papuntang school at hinintay naman ako ni Seven.
Nang makalapit ako sa kanya, tinanong nya ko agad kung wala na daw ba akong sakit. Psh. Tinanguan ko naman sya bilang sagot kaya inaya na nya kong maglakad papuntang school.
Malapit na kami sa pangalawang kanto nang akbayan nya ko bigla. Nahawakan ko tuloy agad ang kamay niya sabay ng pagpilipit ko rito. Psh. Kasalanan naman nya kaya hindi na ko nagsorry.
"Kung hindi lang talaga nerd ang isang to. Psh. Mababalian ako ng buto sa ginawa nya e." mahinang pagdaing nya.
Sumabay na sya sa paglalakad ko. Nang nasa pangalawang kanto na kami, nakasalubong namin si Selene na parang nagmamadali pabalik sa unang kanto.
"Oy, saan ka pupunta?" tanong ni Seven sa kapatid. Tumigil naman saglit si Selene at sinabing may nakalimutan sya sa bahay nila. Dali-dali na rin itong umalis at tumuloy na rin kami sa paglalakad.
Nang nasa pangatlong kanto na kami, may humarang na tatlong lalaki sa'min. Hinamon nila si Seven sa isang racing. Car racing to be exact. Lumingon naman sa'kin 'yung isang lalaki na namukhaan ko naman agad. Isa sya dun sa mga lalaking humarang sa'kin noong isang araw sa eskinita.
"Isama mo na rin yang nerd na 'yan." suhestiyon naman nito kay Seven. Tiyak na gaganti sya dahil halatang hindi pa rin sya nakakarecover sa ginawa kong pagpapatulog sa kanila.
Hindi na ko tinanong ni Seven dahil kinaladkad na nya ko. Kinaladkad talaga. Muntik na kong matumba dahil sa ginawa nyang paghila bigla sa'kin. =___=
Pumasok kami sa pangatlong kanto at nakasunod naman sila sa'min. Matapos ang paghila nya sa'kin nang mabilis, tumigil na rin sya.
Nasa isang malawak na field kami. Maingay sa buong paligid dahil sa taong nagsisigawan para icheer ang mga manlalaro.
Namiss ko ang maingay na lugar na to. Dito kami nagbabonding ni kuya Luis noon at dito ko rin naranasan ang pagiging masaya at malaya.
May kinausap saglit si Seven kaya naiwan akong mag-isa sa isang sulok. May lumapit na lalaki sa'kin. Kilala ko sya dahil kaibigan sya ni kuya. Kinausap nya ko. Dinaldal nya ko pero hindi ako nagsalita. Wala naman syang napala sa'kin kaya umalis na rin sya at dumating naman si Seven. Hinila nya agad ako papunta sa mga maglalaban. Pinilit nya kong sumakay sa sport car na nahiram nya sa kung kanino man.

BINABASA MO ANG
That Nerdy Girl
Novela JuvenilA typical story of nerdy girl who lived peacefully for good but when her past hunt her, will she hide and run until it lasts forever? She decided to live by her own to hide everything about her. Iniwan nya ang mundong sya mismo ang gumawa at sya ri...