V

54 2 0
                                    

Mikoto Gael Homes

[ S O P H I A ]

             Napadpad ako ulit sa Mini Sanctuary. Wala pa rin namang nagbabago dahil ganito pa rin naman ang itsura nito noong isang araw. Madamo at masukal. Kung tutuusin parang forest na nga ang sanctuary na 'to. Hindi na rin kasi ito nababantayan at nalilinis. Naglibot-libot na lang ako sa loob kahit delikado. Napunta ako sa kulungan ng lion noon kaso wala na kong nakita roon. Damo na lang at ang mga nagtataasang talahib ang naroon. Napadaan rin ako sa kulungan ng anaconda pero tanging tuyong balat na lang nito ang nakapulupot sa kawayan. Limang taon na nga pala ang lumipas.

               Nakita ko naman ang matandang puno ng akasya. Umakyat ako sa isang sanga nito at naupo doon. Buti na lang at matibay pa rin ito. Maganda ang panahon ngayon. Hindi mainit at hindi rin naman uulan. Napasulyap ako sa wrist watch ko, mag-aalas dos na ng hapon. Tinatamad akong pumasok ngayon sa klase kaya dito na lang muna ako.
 
               Nilibot ko ang paningin ko sa buong mini sanctuary. Tuyo na rin pala ang mga dahon ng puno na nandito at halos makalbo naman na ang iba. Makalipas ang dalawang oras na pagpapahangin doon, bumaba na rin ako. Alas-kwatro na pala. Lumabas na ako sa mini sanctuary dala ang ala-alang nakalimutan ko na dati.

“Nerd.” hingal na hingal na pagtawag  ni Selene sa'kin nang medyo makalayo na ko sa Mini Sanctuary. Feeling close naman na sya ngayon samantalang kanina halos paulanan na ko ng pana nya. =____=

              Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. “Why?”

              Lumanghap muna sya ng hangin. Tss. “Nasaan si Ma'am Elizabeth?”

“I don't know.” kibit-balikat na sagot ko sa kanya at nagsimula na kong maglakad.

            I checked my phone if he responded to my request but as expected, wala pa rin syang reply. Malolowbat na rin ang phone ko kaya useless rin kung titingnan ko pa ulit mamaya. Malamang sa malamang, hindi sya papayag sa gusto ko.

            I decided na sa Library na lang pumunta. Tahimik na may libro pa kong mababasa. Peaceful place para sa'kin.

     Nakita ko si Mikoto sa loob. Nagbabasa ito ng tahimik at seryoso. Mythology. Mahilig talaga sya sa mga gods and goddesses.

           Kumuha muna ako ng libro saka nagpunta sa lamesang katabi lang ng lamesa ni Mikoto. Naupo ako ng tahimik at sinimulan na ang pagbabasa.

“Quit staring.” mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya nang walang lingon-lingon. Instinct.

          Umiwas naman sya ng tingin at sa libro na ulit sya tumingin. Ramdam ko pa rin na sumusulyap-sulyap sya sa pwesto ko kaya tumayo na lang ako at ibinalik na ang libro sa pinagkuhanan ko.

     Naglakad na ko pauwi dahil uwian naman na talaga. Dumaan ako ulit sa eskinita na dinaanan ko kahapon. Buti na lang at wala pang ibang taong naglalakad rito. I walked papuntang kainan. Gutom na kasi ako. Namimiss ko na rin ang kumain ng bulalo ni Aling Corazon. Agad naman akong umorder nang makarating ako sa karinderya. Naghahanap na ko ng mauupuan nang makita ko sina Seven na nakaupo sa isang pabilog na lamesa. Mga sampung katao siguro ang kasya roon. Kasama rin pala nila si Axel. Nang makahanap ako ng upuan, umupo agad ako dito. Ipinatong ko na rin sa lamesa ang bag ko.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon