XVII

50 2 2
                                    

Conde's Blood

[ S O P H I A ]

Umalis na si Mikoto at iniwan na nya ko dito sa Mini Sanctuary. Bumalik na lang rin ako sa Gym at nakita ko dun si Koda at hindi niya pa rin kasama si Sinichi. Iilan na lang din ang estudyante sa gym dahil hindi naman na natuloy ang laro namin ni Mikoto. Maybe sa canteen or sa classroom na sila pumunta.

Lumapit si Koda sa'kin at bigla na lang akong inakbayan. Automatic naman na napilipit ko agad ang braso nya at pabalyang binitawan 'yun. Mahina lang ang pagdaing nya. Hindi ko naman naintindihan kung anong mura ang binulong nya dahil halatang naasar sya sa ginawa ko.

"Hindi na kita aakbayang bansot ka!" Koda said while gritting his teeth because of irritation.

Hindi ko na sya pinansin dahil dumating na si Special Child. "Sophia the fiiiirst, nandito ka na pala. Tara sama ka sa'min ni Koda."

Hindi pa man ako naka-oo, nahila na ko ni Sinichi. Tatawa-tawa naman si Koda na nasa likuran namin at sumusunod.

"Sasama ka talaga sa'min?" tanong ni Koda nang makarating kami sa parking lot na tinanguan ko naman.

Cutting class is part of being a student. You can try and enjoy it and don't be caught. I don't care kung mahuli ako dahil kahit hindi naman ako makagraduate, may profession na ko. Tsk. Punish me whenever you want. I don't care!

Tinanguan ko si Koda bilang sagot bago tumingin kay Sinichi na kanina pa nakatingin sa'kin. "Problem?"

Nag-iwas ito ng tingin, "Ah, eh... Tara na! Sa'kin ka na sumabay."

"You want me to drive that Motorcycle?" mapang-asar na tanong ko na agad nyang inilingan.

"Ako na lang." mabilis na sabi nya.

Tatawa-tawa naman si Koda dahil kay Sinichi. Para kasi talaga itong bata na ayaw magpahiram ng laruan dahil baka masira at pagalitan ng mama nya.

"Oh, tara na." pag-aaya ni Koda bago sumakay sa motor nya.

Sumakay na rin si Sinichi at ganón rin ang ginawa ko. Umangkas ako kay Sinichi and as expected, ang lapad ng ngiti niya. Kahit pa nakahelmet kami ay halatang-halata pa rin iyon.

Pinaandar na ni Sinichi ang motor nya habang nakasunod naman si Koda sa likuran namin.

Medyo malayo na kami sa school at hindi pa rin humihinto si Sinichi. Saan kaya ang punta ng mga ito?

Mga ilang minuto pa'y huminto na ang motor. Napakatahimik sa paligid na kahit si Sinichi ay hindi umiimik. Pinarada nila ang motor sa gilid ng puno at inaya nila ako. Hindi ko alam kung saan ang punta ng mga ito kaya sumunod na lang ako.

Paingay na ng paingay sa paligid habang papalapit kami sa isang bar. Malaki ito at mukhang ganun din sa loob nito. Sumunod lang ako ng sumunod sa kay na Koda. Pumasok sila sa Bar at pumasok rin ako. Hindi pala ito isang bar. New Underground.

Hinawakan ako ni Sinichi sa braso ko at pinasabay ako sa paglalakad nila.

"Sino yung kasama nina Master?" bulong ng isang babaeng nasa gilid sa katabi nya. Nakita ko namang nagkibit-balikat lang ito bilang sagot.

"Master, panibagong chicks mo?" tanong ng isang lalaki nang tumigil kami sa paglalakad.

Seryoso lang si Sinichi at si Koda naman ang parang abnormal. Nagpalit ba sila ng katauhan? So, weird!

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon