Special Beginning
[ S O P H I A ]
First day of school. Maaga akong gumising para hindi ako mahuli sa klase ko. Kukunin ko rin kasi ang schedule ko dahil hindi ko naman ito nakuha noong nakaraang araw bago magpasukan. Pagdating ko sa kusina, nakaready na ang lahat. Nakahanda na ang mga pagkain at kahit ang mga plato, kutsara't tinidor pati na rin ang baso. Wala na ang katulong namin na si Manang Rosie sa kusina kaya tiyak kong nasa hardin sya at nagwawalis doon.
Kumain na lang ako nang tahimik at baka magising na ang anak ni Manang at pagtripan na naman ako. Pagkatapos kumain, umakyat ako ulit sa hagdan papuntang kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko and now, I'm wearing an idiotic and baduy outfit – eye glass, high socks and loose and long school uniform as my disguise. Now, I'm ready to face the world I left before.
**
Nasa gate pa lang ako ng X- High, mahahalatang malaki na ang pinagbago nito. Mas dumami ang estudyante, hindi tulad noon na halos kakaunti lang ang natatanggap dahil ang iba ay hindi qualified sa requirements. Dati, hindi lang basta mayaman ang nakakapasok dito dahil ang kailangan, may utak ka din at kaya mong ipasa ang entrance exam. Nadagdagan na rin pala ang mga buildings. Tsk. I'm sure, Superior planned all of these. Mas matutulungan niya nga ako sa pagbabagong buhay. Hindi rin nakaligtas sa pagsusuri ko ang bulungan ng mga estudyante sa paligid ko.
“Ngayon na rin papasok ang Eight's di ba?”
“Oo, kaya nga madaming tao rito. Inaabangan nila ang pagbabalik nina Mikoto.”
“Look! Nandito na sila!”
“Ang gwapo pa rin ni Seven.”
“Mas gwapo si Warren.”
“Bakit wala si Axel at Chinitsi?”
“Hello, wala rin kaya si Eli. Ang balita nga ay namatay na daw ang babaeng 'yun.”
“Sino 'yung nerd na mas naunang pumasok?”
“Ang panget naman nya.”
“Na-afford nya ang tuition dito?”
“Hindi naman natanggap ng scholars dito.”
Pshh. Stupid students always be a stupid! Naglakad na lang ako papuntang opisina ni Superior at hindi na pinansin pa ang bulungan sa paligid.
Nang makarating sa opisina ni Superior, walang katok-katok na pumasok ako roon.
“Welcome back, Sophia Smith. Enjoy your student life with them. Now, hahatiin mo na ang oras mo sa pagtuturo at pag-aaral. Kayanin mo kaya?” nakangising sabi niya habang nakaupo sya sa isang couch.
“Salamat sa pagwewelcome and of course, kaya kong hatiin ang oras ko. Dumadaloy sa dugo ko ang dugo mo, so I'm thankful for that.” sarkastikong sabi ko naman na halatang wala lang sa kanya.
“This is your schedule and don't worry your identity is safe, for now. And this one is a document which shows an information about you, fake information to be exact,” he explained while giving me two folders.
![](https://img.wattpad.com/cover/161770799-288-k975695.jpg)
BINABASA MO ANG
That Nerdy Girl
Teen FictionA typical story of nerdy girl who lived peacefully for good but when her past hunt her, will she hide and run until it lasts forever? She decided to live by her own to hide everything about her. Iniwan nya ang mundong sya mismo ang gumawa at sya ri...