XXI

12 1 0
                                    

BR Organization

[ S O P H I A ]

Kinabukasan. Exactly three o'clock in the afternoon, dumating sina Mr. Sarada at Mr. Tañaga sa karinderya pero ako pa rin ang mas nauna sa kanila. Ewan, hindi kasi talaga uso ang pagiging late comer sa'kin. I'm always on time and never been late.

Medyo maunti lang ang tao ngayon dito sa karinderya sa hindi ko malamang dahilan. Nakakapanibago rin dahil marami naman laging tao rito. Baka tinakot ng dalawang to?

“Oh, wala kaming ginawa sa ibang costumer ha?! Makatingin ka naman eh.” sabi ni Mr. Tañaga.

“Wala pa akong sinasabi. Defensive agad.” biro ko naman sa kanya.

“Yung tingin mo kasi... Nevermind. Tara na munang umorder.” saka siya tumayo na sinundan naman ni Mr. Sarada.

Maya-maya pa'y nakabalik na sila at naupo habang hinihintay na dalhin ang inorder nila. Buti na lang din at may libreng kape dito kapag regular costumer ka na dito. Hindi masyadong maiinip sa paghihintay dahil solid rin naman ang paghihintay sa sarap ng pagkain nila.

"So, ano ang plano?" panimula ni Mr. Sarada pagkatapos uminom ng kape.

Nakahalumbaba si Mr. Tañaga habang nag-iisip. Parang baliw talaga 'to. Lakas ng tama! "Aha! Alam ko na..."

Napalingon kami ni Mr. Sarada sa kanya at tumingin nang nagtataka. Para kasing may umilaw na bumbilya sa taas ng ulo nya.

"Magmacho dancer kaya tayo, Clyde?" pfft. Akala ko seryoso na. Baliw talaga!

Napailing na lang kami dahil sa kabaliwang naiisip niya. Sa tingin nya ba gagawin talaga ni Mr. Sarada ang bagay na 'yun? Kahit nga siya ay hindi nya magagawa ang pagsayaw ng ganón. Tsk. Unbelievable.

"May suggestion ako. Seryoso na talaga to!" masiglang sabi ni Mr. Tañaga.

"Siguraduhin mong matino na 'yan. Kung hindi, tatamaan ka na sa'kin." pananakot ko sa kanya.

"Oo, promise. Matino na talaga 'to." nagcross my heart pa ang baliw bago siya sumeryoso.

"Bat hindi na lang natin patugtugin ang banda nina Mikoto? Then, searching tayo this week sa magiging vocalist? Kilala nyo naman siguro ang Eight's di ba? Tatlo lang namang myembro ang nawala sa kanila. So, ibig sabihin may lima pa." nice! Nananadya talaga ang tadhana. Sa dami-dami ng pwedeng i-suggest, bakit ang bandang 'yon na naman?

"Nice! Siguradong marami ang aattend at kikita tayo nang malaking pera kapag nagbenta tayo ng ticket para sa mini concert nila." pagsang-ayon ni Mr. Sarada.

"Do you think, mapapapayag nyo sila?" sumingit na ko dahil malabong mapatugtog nilang muli ang mga 'yun.

"Ikaw ang gagawa ng paraan para mapapayag sila." seryosong sabi ni Mr. Sarada sa'kin.

"Ayoko." may diing pagtanggi ko agad.

"At bakit?" mataray na tanong naman ni Mr. Tañaga, may pagtaas pa ito ng isang kilay.

"Basta ayaw ko. Tapos ang usapan." psh. Paano ko naman kasi mapapapayag 'yun? Kakausapin ko at sasabihing hindi na ko lalapit sa kanila kapag pumayag sila? Damn it! Pwede ring gamitin ko si Axel. Tutal, ayos naman na kami 'non.

"Sige na nga. Payag na ko." pagbabago ko sa desisyon ko kaya nagliwanag agad ang mga mata nila.

"So, searching na tayo sa vocalist?" tanong ni Mr. Tañaga.

"Kayo ang maghahanap ng vocalist. Hindi ako sasama dyan at lalong hindi ako sasali. Busy akong estudyante atsaka..."

"Anong hindi kasali? Dalawa ang kailangang vocalist. Tutal maganda naman ang boses mo, bat hindi na lang ikaw ang magvocalist?" jeez! Paano nalaman ni Xye 'yun?

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon