XIV

40 1 0
                                    

Car Racing Tournament

[ S O P H I A ]

Tinulungan ko na lang si Koda na ipasok yung mga lasing sa loob. Hindi sya madaling malasing kahit nakarami na sya ng inom. Yun ang sabi nya. Nang mailipat na namin lahat ay tumambay na muna kami saglit sa hardin. Malapit na rin ang bukang-liwayway kaya hinintay na rin namin.

"Sophia the fiirst. Can I ask you a question?" tumingin naman ako sa kanya saka sya tinanguan.

"Boyfriend mo ba si Drew?" tanong nya na hindi ko na ikinagulat. Bali-balita naman sa buong Corporation na ako ang new girlfriend ni Superior.

" Sa tingin mo? " maikling tanong ko pabalik.

Tumingin sya sa'kin " Magkasama kayo last saturday at bali-balita na may ginawa kayo sa office nya. So, I think kayo talaga."

Napasmirk na lang ako sa sinabi niya. I don't care kahit anong isipin niya. Si Superior lang naman ang may pakialam sa isyung iyon.

"Seryoso, wala ka man lang sasabihin?" hindi pa rin makapaniwalang tanong nya na tinanguan ko lang.

"Kaanu-ano mo ba talaga sya?" tanong nya naman ulit.

Hindi na ko nag-abalang sagutin ang tanong niya. Natahimik na rin naman sya at hindi na nagtanong pa. Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na sya sa'kin at pumasok na sya sa loob ng bahay. Mga 5 na siguro ng umaga at alam kong wala pa syang tulog. Parang sanay naman sya nang hindi natutulog eh.

Nagpahangin lang ako ng ilang minuto sa hardin at pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Hindi ko na hinintay ang bukang-liwayway dahil nakaramdam na ko ng antok.

Nadaanan ko ang kwartong pinagtutulugan nina Mikoto. Bukas ang pinto kaya sumilip na rin ako. Wala na silang mga damit pang-itaas maliban kay Koda. Ang ilan sa kanila ay nasa sahig na. Kanina naman ay nasa kama sila. Si Special Child naman ay lawit na ang ulo at si Mikoto naman ay malapit nang mahulog. Ang likot nilang matulog =___=

Pumasok ako sa loob ng kwarto at inayos ko ang higa nung dalawa. Tulog na rin kasi si Koda at sa sofa sya nakahiga. Naawa naman ako sa pwesto ni Axel. Nakapatong na kasi ang paa ni Warren sa mukha nya. Hindi na kasi namin sya hinatid sa kwarto nya dahil nasa dulo pa 'yun. Nasa unahan lang ang guest room kaya dón na rin namin inihiga si Axel. Lumapit na rin ako sa pwesto nito at tinanggal ang paa ni Warren na nakapatong sa mukha nya.

After that, lumabas na ko sa kwartong 'yon at dumeretso na ko sa kwarto ko na dalawang kwarto pa ang lalampasan mula sa guest room. Kwarto iyon ng isang taong never na ulit nagpunta rito mula nung mawala si kuya at ang isa naman ay kay kuya Louis. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nahiga na agad ako sa kama at nakatulog naman agad ako.

Nagising lang ako when I felt someone is poking my right cheek. I slowly open my eyes at napapikit akong muli dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Ipinaling ko sa kabilang side ang pwesto ko saka ako nagmulat muli. Nakita ko naman si Special Child na nakatayo na sa harap ng kama ko. Malapad na ngiti ang ibinungad nya sa'kin. Psh. Parang gago!

"Magandang umaga sofia the fiiiirst! Ay hapon pala! Alas tres na kasi ng hapon at parang ang sarap pa ng tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising." masiglang bati niya. Ibig-sabihin, kanina pa sya dito?

"Kanina ka pa dito?" tanong ko  sa kanya.

"Hindi ah, nakita ko lang naman kung paano ka ngumanga habang natutulog at kung paano muntik nang tumulo ang mga laway mo." sinamaan ko naman sya ng tingin. Special Child talaga, abnormal!

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon