XVIII

20 2 0
                                    

Chinitsi Homes

[ S O P H I A ]

                         This is bullshit! Padabog na isinara ko ang pinto ng kotse ni Superior nang makasakay na ko sa loob.

“Para saan 'yon?” seryosong tanong ni Superior na ngayo'y nakasakay na rin.

“I killed persons for nth times, again. It's not the normal life I've wished before I left them.” sagot ko sa kanya.

                   Tiningnan nya lang ako saglit, “Your life is more complicated than I am. Stop investigating about that damn Celestine's death.”

                   Insane old man! Naupo na lang ako nang maayos at tumingin sa labas ng kotse. He starts the engine and gave me a glance bago niya paandarin ang sasakyan.

                   Hindi na ko nag-abala pang magseatbelt dahil sanay naman na ako sa bilis nang pagmamaneho niya.

                    Inabot nya sakin ang first aid kit para sa nadaplisan kanina. Kinuha ko naman iyon agad at sinimulan ko nang gamutin ang sarili ko.

                  I don't know kung paano nalaman ni Superior ang tungkol sa bagay na 'yun. Parang may dahilan kung bakit sinasabi nya na itigil ko na.

“You've changed a lot.” seryoso at may diing sabi niya. Yeah, he's right. Madami na ang nagbago sa'kin.

                  I don't give him any glance. Hindi ko na rin siya sinagot pa at hindi na din sya nagsalita hanggang sa tumigil sya sa tapat ng isang karinderya. Tapos ko na ring lagyan ng bandage ang sugat ko. Napukaw naman agad sa karinderya ang tingin ko kahit hindi pa ko nakakababa. Maganda at maaliwalas na karinderya ito.

                  Bumaba sya at gaya nang ginawa nya kanina, pinagbuksan nya ulit ako. Bumaba na rin ako agad at magkasabay kaming pumasok sa loob ng karinderya.

                      Hindi pala ito isang ordinaryong karinderya lang. Kapansin-pansin na ang tema ng karinderya ay ang sinaunang panahon which is the precolonial era. Naroong ang mga pangalan ng pagkain ay nakasulat gamit ang baybayin, yung iba ay nakabahag at ang ilan naman ay nakamahabang damit. Ang cool.

                      Hindi ko na natapos ang pagtingin sa iba pang mga gamit dahil yumuko sa'min ni Superior 'yong mga tauhan sa karinderya.

“Welcome back, superior. Sya na po ba 'yung tinutukoy niyo?” tanong ng isang babae na tinanguan agad ni Superior.

                  Hindi na ko nagtanong kung ano ang ibig-sabihin nón dahil wala ako sa mood at isa pa alam ko namang hindi ako sasagutin ni Superior.

“Dito po tayo.” nagpatiuna naman 'yung babae at sumunod naman kami ni Superior.

                    Inihatid niya kami sa isang kwartong malawak ang espasyo. Naagaw agad ang atensyon ko ng dalawang litrato kung saan nakasketch ang Conde's Family, una ay ang litrato ni Mom at ang pangalawa ay ang litrato naming tatlo – ako, kuya at superior. “This resto-bar is my gift to my Almira, your mother.”

                     Nasagot ang mga tanong ko sa isipan ko dahil sa sinabi niya. Mahahalata rin ang lungkot sa paraan ng pagsasalita niya. He misses my mom that much. Kung katulad sana kami ng isang normal na pamilya at kung hindi ko lang alam ang ugali ni Superior, malamang nayakap ko na sya para i-comfort. Malayong-malayo ang pamilya ko sa pamilya ng iba. And I swear na kahit sino hindi gugustuhin ang magkaroon ng katulad nito.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon