Eli Conde
[ S O P H I A ]
Naglalakad ako ngayon papunta sa morning class ko. Sa Class D ang first subject ko ngayong araw kaya medyo kinakabahan ako. May kukunin din kasi akong exam sa Chemistry mamayang hapon. Kalbaryo talaga ang dala sa'kin ng mga lalaking 'yon isama na rin ang mga kaklase nilang babae.
"Good morning, Ma'am Elizabeth." masayang bati ng mga estudyante na nakakasulubong ko at binati ko naman sila pabalik. Ilan lang sila sa sampung seksyon na hawak ko ang marunong rumespeto.
Dumeretso na ko sa Class D, ang last section at ito rin ang section nina Mikoto. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ramdam ko na ang kaseryosohan ng mga tao sa paligid ko. May hawak silang makakapal na mga libro at tahimik na nagbabasa. Nice! Nag-aaral sila at mukhang wala na kong takas kung sakaling makaperfect nga sila. Aalis ako sa pagiging guro at masasayang lahat ng pinagharapan ko para lang marating agad to sa ganitong edad. I'm 22 years old and I was 18 when I started to teach for personal matter. Yeah, I'm too old for being a highschool student but no one knows about it. I'm just simply like, 16 years old by my height and besides 'yun din ang nakalagay sa mga accounts and ibang information sheets tungkol sa'kin kaya kung ipapabackground check nila ako, wala silang makikitang kahina-hinala dón.
"Good morning, class. Ready for your long test?" bungad ko sa kanila. Sabay-sabay naman nilang isinira ang librong hawak nila bago tumingin sa'kin. Ang cool, parang mga genius.
Nagsulat ako ng instructions at rules sa blackboard. Right minus wrong din ang ginawa ko at lahat ng klase ng pagbubura ay kinokonsiderang mali. Disiplina sa sarili at pag-iingat ang ilan sa mga gusto kong matutunan nila.
"Rule: Don't dare to cheat. Matalino kayo at alam kong kaya nyong ipasa ang exam." malakas na sabi ni Mikoto na ikanangiti ko. Binasa nya ang nasa blackboard at alam kong sumusunod sya sa mga rules and instructions.
Makalipas ang ilang minuto, pinaghanda ko na sila at ipinamigay ko ang answer sheet kasunod ang questionnaire. Pinatago ko na ang kanilang mga reviewer at tanging ballpen na lang ang nasa table ng bawat isa.
"You can start answering, now." I said seriously then nagsimula na sila sa pagsasagot.
Napapangiti ako dahil sobrang tahimik sa paligid. Tanging paglipat lang ng mga pahina ng questionnaire ang maririnig sa buong kwarto. Seryosong-seryoso ang lahat pero marami pa rin akong napansin na halatang nahihirapan. Ilan na dun sina Warren at Seven. Si Mikoto naman halatang nag-aral. Dere-deretso siya sa pagsagot at paglipat ng mga pahina. Pati rin ang mga babaeng akala ko puro paganda lang ang alam ay mahahalatang nag-aral rin.
Ganun na ba sila kapursigidong mapaalis ako sa pagiging teacher sa kanila? Nalungkot naman ako sa isiping iyon. I've been teaching for almost 4 years dahil 'yon lang ang paraan para hindi maghinala ang lahat.
Malapit nang mag-isang oras at halos lahat sila ay nagpursiging masagutan ito ng mabilis. Parang matatanggalan na ako ng trabaho ah.
[ M I K O T O ]
Sinusumpa kong pumayag ako sa deal ng teacher namin. Bwiset! Ang hirap ng exam. Wala man lang pamimilian. Halata namang nahihirapan na ang mga kaklase ko. Number 100 na ko at doon pa ko mas nahirapan. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa pero...
BINABASA MO ANG
That Nerdy Girl
Novela JuvenilA typical story of nerdy girl who lived peacefully for good but when her past hunt her, will she hide and run until it lasts forever? She decided to live by her own to hide everything about her. Iniwan nya ang mundong sya mismo ang gumawa at sya ri...