XXII

5 0 0
                                    

Hunting

[ S O P H I A ]

Pumasok na ko sa school at medyo nabawasan na ang isipin ko dahil kahit papaano ay wala na kong p-problemahin about sa event na gaganapin. All are well settled. Yeah! Sana nga'y wala na kong problemahin pa tungkol sa event na 'yun.

Nakita ko sina Mikoto at Seven. Naglalakad sila papuntang classroom. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin yung dalawa dahil may mas mahalagang bagay pa kong dapat na intindihin kaysa sa magugulong lalaki na 'yun.

"Good morning po, Ms. Sophia. Pinapatawag po kayo ni Mr. Sarada. Pumunta ka daw sa Office nya." sabi ni Manong Guard. Tinanguan ko lang sya at naglakad na ko papuntang office ni Mr. Sarada. Tsk. Excited masyado.

Lumiko muna ako sa kanan at pumunta sa Faculty Room. Iniwan ko muna dun ang mga gamit ko saka nagpunta sa Office ni Mr. Sarada. Sosyal! May sariling office. Makapagpagawa rin kaya ako ng akin? Maybe, next time. I will talk to Superior later about that.

Nang makarating ako sa office nya, hindi na ko nag-abala pang kumatok. Lintek! Katulad talaga 'to ng opisina ni Superior dito. Magkaanu-ano kaya sila ni Superior? Magkakaibigan kaya silang tatlo- Mr. Sarada, Mr. Tañaga at Superior before?

"So, anong alam mo sa nangyare noon?" tanong agad ni Mr. Sarada.

"Hindi mo ba muna ako pauupuin?" pabirong tanong ko sa kanya. Excited masyado eh.

"Sige. Maupo ka na." halatang-halata ang pagiging sarkastiko niya. tsk! Siya na nga ang may kailangan ganyan pa siya.

Naupo na rin ako agad at ngumiti sa kanya. Tumingin lang sya sakin kaya naman nawala rin ang ngiti sa mga labi ko. Ang seryoso naman niya masyado. Nakakainis!

Tumayo si Mr. Sarada at lumapit sa isang cabinet kung saan nandun ang mga dokyumentong naglalaman ng tungkol sa imbestigasyon nila ni Mr. Tañaga patungkol kay Eli.

Kinuha niya agad iyon at bumalik sa harapan ko na siya namang ipinagtaka at kaba ko. Tila binigyan ako nito ng pagkakataon na makita ang sarili kong multo.

"P-para saan 'yan?" kabadong tanong ko rito na biglang ikinangisi niya.

"Mukhang kinakabahan ka ah, bakit kaya?" sa tono pa lang nang pagsasalita niya ay halatang may alam na siya.

Tatlong beses muna akong napalunok dahil wala akong mahagilap na magandang sasabihin sa kanya, palusot to be exact.

"Speechless? Masyado ka namang apektado dahil kay Eli Conde..." nang-uuyam pang saad nito.

Ano ba, Sophia? Akala ko ba wala lang sayo na may makaalam ng pagkatao mo? Atsaka, teka... Wala pa naman siyang sinabi tungkol sa dokyumento ah, bakit ako masyadong nagpapahalatang kinakabahan ako?

"I really wonder how can a nerdy girl like you handled this kind of situation. It's very complicated." mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

"Can you please be direct to the point? Huwag kang masyadong paliguy-ligoy," kunot-noo pero kinakabahan pa ring saad ko.

Mas dumoble ang kaba sa dibdib ko nang ilapag niya ang iba't ibang litrato kung saan ako naroroon as Eli Conde, Elizabeth Smith at Sophia Smith.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kahit alam kong ikaw na ang solusyon sa lahat ng problema ko, hindi ko pa rin makuhang ipaalam sa nakakataas na ikaw lahat ng 'to. Ikaw si Eli, Elizabeth. Masyado na ba akong napalapit sayo at pati ikaw ay importante na rin sa buhay ko?" hindi ko inaasahang sasabihin sa'kin yan ni Mr. Sarada.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon