XXIII

7 0 0
                                    

Louis Ervo Smith Conde

Audition for drummers ngayon ang banda nina Mikoto. Hindi kasi tutugtog si Chinitsi kaya need talaga nilang maghanap ng bagong member.

"Pasaan ka?" biglang tanong ni Mikoto habang naglalakad ako papuntang Auditorium.

"Mag-aapply dito." sabay pakita ko sa kanya ng flyer na may nakasulat na Audition for drummers of the band. Tatlo kasi ang gusto nilang magdrum para daw maexperience naman daw ng ibang tao na maging kabanda nila.

"Talaga? Maalam ka nyan?" hindi makapaniwalang tanong ulit nya. Kasabay ko na pati sya sa paglalakad. Hindi ko na lang rin sya sinagot dahil saktong nasa Auditorium na kami.

Nagsisimula na ang audition nang dumating ako sa Auditorium.

Dahil first day of audition namin ngayong araw, marami sa band members ang nagreklamo. They said na hindi ko deserved ang maging drummer. Masyado naman nila akong minamaliit.

"Nerd, sigurado ka ba dyan?" natatawang tanong ni Warren kaya nagtawanan tuloy ang mga tao sa paligid.

" Next!" seryosong sabi ni Seven. So, nagvolunteer agad ako para naman hindi ako mapahiya no? Hahaha.

"Ako na lang." Kalmadong sabi ko kaya natahimik ang lahat.

"Okay! Prepare yourself and impress us." nakangising sabi ni Seven.

Pumwesto naman ako sa harap ng drum set. I prepared myself. They all observing me like I don't know what I'm doing but I ignored them.

Nakakapanliit naman kasi ang mga tinging binibigay nila sa'kin. I properly hold the drumsticks at nagsimula na kong tumugtog.

Natulala ang lahat hanggang sa matapos ako sa pagtugtog. They gave me around of applause and others are shouted my name.

"Wow! Amazing! Ikaw na, Nerd! Ikaw na!" Sigaw pa nung isang lalaki.

Napapoker face na lang ako dahil dun. Parang nang-aasar lang eh.

"Next!" pagkuwa'y sabi ni Seven.

Walang tumatayo. Wala na yata.

Ilang minuto pa'y wala na talagang nagbalak na tumugtog.

"So, tapos na tayo for today. Iaannounce namin kung sinu-sino ang mga pasok sa new drummers this Wednesday at ipapaskil ito sa bulletin board." anunsyo ni Mikoto at saka umalis.

Naglakad na rin ako paalis at pumunta muna ako ng locker room. Nagkakagulo roon ang mga estudyante sa loob at nagtaka naman ako kung bakit. Baka may ahas na nakita roon o kaya naman baka nagparamdam si Sadako? Hindi pwede 'yun!

"Nandito na si Nerd!" sigaw ng isang babae kaya nagbigay daan naman sila para sa isang lalaking nakatalikod.

Humarap naman sya at nakita ko si kuya Louis. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at kinurot ang sarili ko para malamang hindi ako nananaginip. Nang masaktan ako sa kurot na ginawa ko dali-dali naman akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap naman nya ko. Niyakap ko rin naman sya pabalik. Sobrang miss ko na kasi siya. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap at sinuntok ko agad sya sa mukha nya na naiwasan naman nya agad. Sumuntok ako ulit at tumama na iyon sa pisngi nya kaya napahakbang sya patalikod. Napasigaw naman ang ilan sa mga babaeng nasa lugar ng pinaghakbangan nito.

Itatanong ko na rin sana sa kanya kung saan ba sya galing, bakit ngayon lang sya nagparamdam at marami pang tanong nang marealize kong madami nga palang tao sa paligid namin. Nagbubulungan na naman ang mga taong nasa loob ng locker room. Ang iba binash ako at sinabing ang kapal ng mukha kong suntukin ang gwapong nilalang na ito. Hindi ko naman sila pinansin gaya ng lagi kong ginagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon