XV

39 1 0
                                    

With Eight's

[ S O P H I A ]

Nakangiting tiningnan ko si kuya Lincoln at ngumiti rin sya pabalik. Nice! Best Actor Awarded to Mr. Lincoln Aborde. Nakita ko naman sa hindi kalayuan na papalapit na sina Mikoto sa pwesto ko.

Nagpaalam naman ako kay kuya Lincoln at ako na ang sumalubong sa kanila. Inabot ko kay Seven ang susi at nagsimula na kong lumakad paalis roon. Napahinto naman ako saglit nang hawakan ng kung sinuman ang braso ko. Si Mikoto.

"Saan ka pupunta?" tanong niya na hindi ko naman sinagot agad dahil alam kong magcecelebrate sila at balak nila akong isama.

Kahit ayokong makijoin sa kanila, wala na kong nagawa. Pinigilan pa nila ako ng isang beses kaya sumunod na rin ako sa kanila. Alam ko naman na magpipiling na naman si Axel na kanya ang bahay na tinutuluyan nila dahil tiyak na mag-iinuman sila sa bahay.

Naglalakad kami ngayon at hindi naman kami papunta sa bahay. Napadpad kami sa isang kainan at dahil medyo gutom na kami, pumasok na kami sa loob ng karinderya at umorder. Naghanap na rin ako ng pwedeng maupuan habang umoorder naman sila. Ayoko sana sa pinakagitna kaso dun lang may mahabang lamesa. I have no choice kaya dun na ko umupo.

Dumating na rin naman sila bitbit ang madaming pagkain. Oo, madami talaga! Sobra pa nga eh. Ipinatong nila lahat 'yun sa lamesa at naupo na sila.

Inabutan naman nila ako ng plato, baso, kutsara at tinidor na kinuha ko agad. Kukuha na nga sana si Sinichi nang hampasin sya ni Koda. Nagsign of the cross kasi sina Seven kaya pinigilan sya nito. Nakidasal na rin ako sa kanila kahit wala lang talaga sa'kin yun. Si Warren ang naglead ng prayer. "... In Jesus name, We pray. Amen. Kainan na."

Kanya-kanya naman sila ng pagsandok sa pagkain. Ang dugyot nila, ang kukulit din nilang tignan lalo na sina Warren at Sinichi.

"Ayan, sayang tuloy." sabi ni Sinichi kay Warren. Natapon kasi 'yung sabaw. Nasagi kasi ito ni Warren nung nagsasandok sya ng kanin.

"Edi higupin mo para hindi sayang!" seryosong sabi ni Warren kay Sinichi.

"Kumain ka na lang, wag mo na silang pansinin." sabi sa'kin ng katabi ko, si Mikoto. Nasa kanan ko sya at si Axel naman sa kaliwa.

Tinuon ko naman ang pansin ko sa pagkaing nasa plato ko. Si Axel ang naglagay nyan sa plato ko.

"Ang cute mo pala kapag naging babae ka, Seven." pang-aasar naman ni Evan.

Kumain na lang ako ng tahimik and don't mind the naughty people around me. Gusto kong kumain sa tahimik na lugar kaso imposibleng mangyare 'yun ngayon dahil kasama ko sila.

Malakas na dighal ni Warren ang nagpatigil sa'kin sa pagnguya at pagsubo ng pagkain.

"Opps. Sorry!" nagpeace sign pa sya. Childish.

Makalipas ang ilang minuto, nagbabayad na sila ng bills. Oo, libre ni Seven 'to. Nagkasasakyan na nga sya at nagkameron pa ng pera. Hahatian nga nya sana ako kaso ako na ang tumangge. Alam ko namang sa isang orphanage nya idodonate 'yon gaya ng ginawa nya last year. Hindi nya ko stalker, alam ko lang talaga lahat ng ginagawa nila.

After magbayad ni Seven ay niyaya naman niya kami sa computer shop. Ang cheap lang. Naalala ko nga 'yung 100,000 pesos na nakuha ni Mikoto sa pustahan. Tiyak na ibibigay naman nya ang kalahati nón sa isang public school at ang kalahati naman ay para sa inipon niyang pera for his future.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon