Rebuild Her World
[ S O P H I A ]
Inihatid ko na sina Mikoto at Seven sa clinic. Nakita ko naman na nandoon rin sina Warren na ginagamot na ng nurse. Ginagamot naman ni Mr. Tañaga ang tatlo pa na iniwan nya agad para tulungan ako sa dalawa. Tinanong niya sa'kin kung ano ang nangyare pero hindi ko na sya sinagot dahil may usapan nga kami ni Superior.
Iniwan ko na lang sila roon at dumeretso na ko sa Dean's office. Hindi na ko kumatok at pumasok na ko agad sa loob nang makarating ako roon. Isang seryoso at nakakunot-noong evil superior ang bumungad sa'kin. Humingi naman ako ng paumanhin sa kanya at naupo na lang ako sa upuang nasa harapan niya. Pinag-usapan lang namin ang tungkol sa misyong kailangan kong matapos agad as soon as possible. Psh.
I rolled my eyes to ease my irritation. "Gain their respect isn't easy after all." I said, truthfully.
Hindi naman sana ako mahihirapan kung medyo close na kaming lahat di ba? "Magpakabait ka kasi sa kanila." suhesyon nya.
Tumingin lang ako sa kanya, "Seriously? I don't want to." irritation filled me. Mabait ako sa kanila kaya nila nagagawa 'yon.
Noong una, ayoko talagang pumayag sa mga pinapagawa nya sa'kin then, I realized na sa ikabubuti din naman ito ng X-High. The last mission... Bakit kailangan ko pang gawin ang bagay na 'yon kahit alam kong ako lang talaga ang mahihirapan? Haist.
I stopped myself from thinking that nonsense consequences dahil lang sa isang pagkakamali. After naming mag-usap, nagpaalam na ko sa kanya. Pumunta na ko sa classroom. Nakarating ako doon at may teacher na. Buti na lang at hindi si Ma'am Sarada ang teacher na naabutan ko dahil tiyak na sa detention room na naman ang bagsak ko. Tumigil naman ang teacher namin sa ginagawa nya at lumingon sa'kin. Si Ma'am Dayne, ang girlfriend kunno ni Superior.
"Good morning!” pormal na bati ko bago tuluyang umupo sa upuan ko.
Wala pa rin dito sina Seven dahil tiyak na nasa Clinic pa rin sila. Mga mahihilig sa gulo. Kakamustahin ko na lang siguro sila kay Mr. Tañaga.
Natapos ang klase nang wala akong naintindihan. Hindi naman kasi ako nakinig. I was thinking about how I will finish that damn missions. Being teacher is part of my missions. Noong una pa lang I don't want to be a teacher because I want to be an Architect pero hindi nagtagal, nagustuhan ko na rin ang pagtuturo. Hindi ko alam na mangyayaring mapapaisip ako ng malalim at narealize kong mahirap na palang iwanan ang isang bagay na nakasanayan mo na.
Nagpaalam na si Dayne at lumabas na ito. Lalabas na rin sana ako nang harangin ako ng kaklase naming babae. Maganda sya kaso mukhang mataray. Tinaasan ako nito ng kilay at nakapamewang pa ito.
"Well, well, well. Kamusta naman ang pagpapakabayani mo sa Eight's, nakachansing ba?" nang-iinsultong sabi nito.
Binigyan ko lang sya nang nakakaboring na tingin at halatang kinainis nya yun. Nagsimula na syang mang-insulto. Kung anu-ano na ang sinasabi niya at masyado na syang below the belt but as usual, wala akong pakialam kahit ipagsigawan nya pa kung gaano ako kalandi dahil I know to myself na walang katotohanan lahat ng sinasabi nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/161770799-288-k975695.jpg)
BINABASA MO ANG
That Nerdy Girl
Teen FictionA typical story of nerdy girl who lived peacefully for good but when her past hunt her, will she hide and run until it lasts forever? She decided to live by her own to hide everything about her. Iniwan nya ang mundong sya mismo ang gumawa at sya ri...