X

45 2 0
                                    

Nerdy Gangster

[ S O P H I A ]

                       Miyerkules, day off ko ngayon so I decided na wag munang pumasok. Sinabihan ko si Carmina na igawa nya na lang ako ng excuse letter at ilagay roon na may sakit ako kahit wala naman talaga.

                      Maghapon lang akong nasa kwarto ko. Nagbasa lang ako ng librong related sa evil's number. Ginamit ko rin ang number na iyon para gumawa ng laro. Hindi naman ako Atheist pero trip ko talaga ang number na sinasabing number of the beast daw but based on the other, 666 is an angel number kaya mas nagkainterest akong magbasa tungkol sa mga biblical history.

                      Hindi na ko nag-abala pang bumaba dahil may mga snacks naman akong kinuha kaninang umaga sa baba kaya iyon na lang din ang kinain ko buong araw. Nasanay na kong hindi kumakain ng tama dahil wala namang nagbabawal. Si Manang Rosie naman, walang nagagawa kapag sinabi kong ayaw ko. Hindi na lang nya ako pipilitin pero kapag nandito si Axel, hindi ako makatanggi kaso wala sya dahil nasa trabaho naman sya. Mamaya pang alas-nwebe ang uwi nya dahil iyon ang paalam nya kay Manang Rosie. May dadaanan sya at alam kong puntod iyon ng tatay nya. Death Anniversary kasi ngayon nito. Matagal na kasing patay ang tatay niya.

                      Ngayon ko lang napansin, medyo madilim na pala sa labas. Tumayo ako at nag-unat ng katawan. Walong oras akong nakaupo kaya medyo nangalay ako. Makalipas ang ilan segundong pagsstretching, kumuha ako ng damit sa cabinet. A black shirt and maong short na sa tingin ko hanggang kalahati ng legs ko ang sakop. Naligo naman ako sa banyo at hinayaan ko munang dumaloy sa buong katawan ko ang tubig.

                      Pinagmasdan ko lang din ang markang nasa likuran ko mula sa salamin. X mark. I smirked mentally. It symbolizes our organization. Kitang kita ito kapag nakacrop top akong damit like I used to wear, before. Errr. Masyado na kong nag-iisip ng kung anu-ano. So, I decided na tapusin na ang paliligo ko at magbihis na.

                      After kong magbihis, dumeretso naman ako sa kusina para magpaalam kay Manang Rosie. Gusto ko lang kasing maglakad-lakad sa labas. Pumayag naman ito. Wearing those shirt and short together with a nerdy look? I think, ligtas naman ako. Lumabas na ko at naglakad. Libutin ko kaya tong buong village? Tumingin naman ako sa daan at tinanaw ang kalsada. Ang laki pala ng village na 'to =___=

                      Nagsimula na kong maglakad at tanging mga ilaw sa poste lang ang nagbibigay liwanag sa daan. Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Medyo nasa kalahati na rin ako ng nilalakad ko nang may marinig akong ingay. Galing ito sa isang bakanteng lote na malapit pa lang pagtayuan ng bahay. Lumapit naman ako sa lugar na 'yon.

                      I saw a lot of persons. They're all watching kung paano suntukin ng isang lalaki ang isa pang lalaki na halos humiga na sa sarili nitong dugo. Nakisingit pa ko para patigilin sana sila kaso hindi ko na pala kailangang patigilin dahil 'yong lalaki na mismo ang tumigil.

"Naliligaw ka ata, Manang?"nang-aasar na tanong ng isang lalaki pa sa'kin kaya tumingin na rin silang lahat kung nasaan ako.

                      Yumuko naman ako agad at humingi ng pasensya. Sinabi kong naligaw lang ako at salamat sa Diyos dahil naniwala sila. Ayoko pang pumasok ulit sa mundong gulo lang ang dala sa buhay ko kaya umalis na ko doon. Naglalakad akong muli at napadpad naman ako sa isang playground. Lumapit ako sa duyang naroon at umupo. Dinuyan ko ang sarili ko and I remember how my friend before swung me. Sobrang lakas to the point na parang malalaglag na ko at halos isumpa kong sya ang pinagduyan ko noon. I smile bitterly. Naalala ko na naman.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon