Xye And Clyde
[ S O P H I A ]
Pagkalabas ko sa kusina, dumeretso na ko sa kwarto ko para mag-ayos. May klase ako ngayon at tinanghali na naman ako. Kailangan ko na sigurong ihanda ang pagsulat sa isang buong papel ng paulit-ulit na 'Papasok na ko nang maaga at hindi na ko magpapa-late sa klase.'
Nakapuno ako ng sampung papel noon at 'yan lang ang tanging nakasulat doon. Muntik na nga akong makalabing-isa kung hindi lang umabot nang isang oras yung pagsusulat ko.
Napakasama naman kasi ni Mr. Sarada sa'kin eh. Haist. For sure, nasisiraan na naman ng bait 'yun at hindi nya ko nakikita ngayon sa klase nya.
**
Naglalakad na akong mag-isa gaya ng palagi kong ginagawa papuntang faculty room para makapag-ayos. Wala namang tao roon gaya ng inaasahan ko dahil nasa kani-kanilang klase na ang mga ito. Wala na rin akong naabutang teacher sa room kanina. So, I decided na pumunta na agad sa banyo para magpalit.
I wore the teacher's uniform and removed the cosmetic in my face. I changed my nerdy glass to another eyeglass. Tinali ko na rin ang mahaba kong buhok ng paikot at mataas. I need to look like a mataray teacher in the world na lagi kong ginagawa. I putted light make-up, too. After doing my thing, lumabas na ko ng faculty room. Kinuha ko pala muna ang ilang maninipis na libro na nakapatong sa table ko bago tuluyang umalis dun.
Naglakad na ko papuntang classroom namin. Napangiti na lang ako dahil sobrang tahimik. Pumasok ako at bumati sa kanila. Masiglang bumati naman ang mga ito pabalik. Nirequest ng isa sa kanila na magkwentuhan na lang daw kami na sinang-ayunan naman nilang lahat.
"Dahil halos maperfect nyo naman ang exam, okay... Sige." sagot ko naman.
"Ma'am, kapatid nyo po ba si Sophia?" tanong ng kaklase kong babae.
Tinanguan ko na lang sya bilang sagot dahil tinatamad na naman akong magsalita. Naitanong din nila kung ilang taon na ko at hindi ko na ito nasagot.
"May boyfriend ka ba?" tanong naman nung lalaking nasa pinto. Nilingon ko naman kung sino ang nagtanong at nakita ko si Mr. Sarada na palagay ko'y kanina pa nakatayo roon. Anong trip ng isang to? =____=
Panay panunukso naman agad ang ginawa ng mga estudyante/kaklase ko. Hindi ko naman sinagot ang tanong nya kaya pumasok na sya sa loob ng classroom namin. Ang weird talaga ng kinikilos niya. Tsk! As always naman.
"Bawal po ang ligawan sa classroom na 'to." seryosong sabi ni Warren.
Natawa na lang si Mr. Sarada sa sinabi niya at sinabing hindi sya nanliligaw. Pinuntahan nya lang ako dahil may meeting daw ang faculty members. Malisyoso rin pala ang mga mag-aaral rito.
Nagpaalam na ko sa klase ko at pumunta na kami sa meeting. Kasabay kong naglakad si Mr. Sarada. Medyo nailang naman ako kahit papaano dahil kung hindi pa sya kinausap ni Mr. Tañaga tiyak na hindi nya pa ko titigilan sa pagpapahaba ng records sa detention room. Pati na rin sa kapatid nyang matandang dalaga.
Nang makarating kami sa faculty room, nandón na lahat ng mga guro na nagtuturo sa X-High. Nakaupo sa pinaka unahan si Carmina, ang kunwareng pinakahead namin pero 'yung totoo, she's my secretary. Sa kanan naman nya, sina Ma'am Sarada at ang iba pang teachers. Sa kaliwa naman si Mr. Tañaga at dalawang vacant chair and I realized na kaming dalawa na lang pala ang kulang.
"Ipagpaumanhin niyo po ang pagiging late namin." paghingi ko ng despensa dahil sa pagiging late ko. Then, umupo na ko sa tabi ni Mr. Tañaga at tumabi na rin sa'kin si Mr. Sarada.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Girl
Roman pour AdolescentsA typical story of nerdy girl who lived peacefully for good but when her past hunt her, will she hide and run until it lasts forever? She decided to live by her own to hide everything about her. Iniwan nya ang mundong sya mismo ang gumawa at sya ri...