VII

25 1 0
                                    

Mr. Clyde Sarada

[ X Y E ]

Nagtatakang lumingon si Sophia sa'kin. Umupo na rin siya mula sa pagkakahiga niya. "What do you need?" she asked without looking at me, directly. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil nawala ang sasabihin ko.

Magkasabay naman kaming napalingon sa pinto nang may pumasok roon. Napangisi na lang ako saka tiningnan si Sophia nang mapang-asar na tingin.

"What?" naaasar na tanong niya at tiningnan pa ko ng masama.

"Alis muna ako. Nandyan na ang boyfriend mo para alagaan ka," nang-iinsultong pamamaalam ko habang tumatayo.

"He's not my boyfriend." walang pakundangang pagtangnggi niya habang nakatingin kay Mikoto.

Hindi na ko nagsalita pa. I waved my right hand, sign of saying goodbye bago umalis at lumabas sa clinic. Napapailing na lang ako dahil sa dalawang iyon. They're not ordinary students. Maybe kabilang sila sa mga taong mahirap kalabanin at silang dalawa ang bumabagabag sa'kin palagi.

Putting myself in danger and getting closer to Sophia is not bad, it is worst to be exact. Those innocent nerdy get up and irritated cosmetic in her face are getting to my nerve. Well, malalaman ko rin naman ang sikreto niya kahit alam ko namang hindi madali ang gagawin at pagdadaanan ko bago ko malaman ang mga tinatago niya.

Naglakad na lang ako papunta sa office ko. Nadatnan ko doon ang isang folder na nakapatong sa table ko na wala naman doon bago ako umalis kanina. Sa tingin ko, galing ito kay Clyde. Nilapitan at kinuha ko agad iyon. Naupo na rin ako bago ko ito buksan.

"Sophia Smith." mahinang banggit ko sa pangalang nakasulat sa unang pahina.

Napangisi ako dahil nahirapan rin si Clyde sa pangangalap ng information tungkol kay Sophia. Nag-expect ako na madami syang makukuha pero mali ako dahil kung ano ang nakuha ko, ganun lang din ang nakuha niya.

Name: Sophia Smith
Present: studying in X-High
Age: 20 years old
Address: Maleficent Subdivision
Mother's name: Almira Smith
Father's name: -----

"Almira Smith." I whispered when I remembered someone. Kung hindi ako nagkakamali, Almira Smith is from Secret Society "Comarase" nakilala ko sya sa hindi inaasahang pagkakataon.

Magulo pero isa lang ang masisigurado ko. Magulong buhay ang papasukan namin ni Clyde. Mas magulo at mapanganib. Ngayon lang kami nagkameron ng misyon ni Clyde nang magkasama at halatang niloloko kami ng organization na iyon nang sabihin nilang madali lang ang misyong ito.

She's not the little sister of Elizabeth Smith. Hindi sila nakikitang magkasabay nor magkasama at 'yun ang nakakapagtaka. They're not connected from each other but I noticed something and that something is what we need to find out.

They're not connected dahil iisa lang sila. I want him to notice this by his own. Malalaman nya rin naman ang bagay na 'yun kahit hindi ko sabihin sa kanya.

Napalingon ako saglit sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Clyde. Naupo agad ito sa couch na nasa kanang parte ng opisina ko.

"Letse! Ilang araw na nating sinusundan 'yang si Sophia pero wala pa rin tayong nakukuhang ibang impormasyon tungkol sa kanya bukod dyan," iritableng komento nito at halatang hindi sya sanay sa ganito.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon