III

66 2 0
                                    

Sophia Smith

[ S O P H I A ]

      Pinagbuksan ko kaagad si Axel ng pinto kahit magulo pa sa loob ng kwarto ko. Hindi pa rin ako nakakapagpalit ng damit. Nakakunot ang noo nya at halatang kanina pa sya kumakatok.

        Humihikab-hikab pa ko at medyo bangag. Inaantok pa kasi ako. “What do you need?”

        Napaatras naman sya nang bahagya bago tumingin saglit sa'kin at mahahalata ang pagkalasing niya pero parang nawala ang tama ng alak dahil hindi siya makahinga nang maayos. Agad naman akong tumingin sa ibang direksyon Putek! Bakit ako pa kasi ang ginising ng isang 'to? Inalalayan ko sya habang pumapasok sa kwarto ko. Ang layo kasi ng kwarto nya sa kwarto ko kaya dito na lang muna sya matulog. Naalala ko tuloy 'yung panaginip ko. Haist! Humiga agad sya sa kama ko nang maipasok ko na sya nang tuluyan. Hinayaan ko na lang sya doon at kinuha ko na 'yung mga answer sheets na nasa sahig. Ipinatong ko muna itong lahat sa table at nagpunta muna ako sa banyo para magpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit, lumabas na rin ako.

     Pumwesto na ko sa study table ko. Nagstretch muna ako saglit dahil sasabak ako sa matinding pagrerecord ng scores nila. Uupo na sana ako nang maalala ko si Axel. Lasing ito at ang bahu-baho nya. I cursed that liquors. Hindi na sana inimbento ang inuming 'yun dahil hindi naman ito nakakatulong sa lipunan. Haist. Kumuha ako ng towel sa durabox ko at nagpuntang banyo para kumuha ng plangganang may lamang maligamgam na tubig. Buti na lang pala nagpalagay ako ng heater kundi bababa pa ko para magpainit ng tubig.

     Lumabas ako ng banyo at pumunta malapit sa pwesto ni Axel. Sinimulan ko nang punasan ang katawan nya. Hinubad ko na rin ang t-shirt na suot niya para mapunasan ko siya nang maayos. Don't think any malicious things. Wala akong intensyon na gumawa ng hindi kaaya-ayang kilos at isa pa, I can't imagine myself na maglalaway sa abs ng lalaki. Gross.

               Buti na lang hindi ko naitapon ang damit ni kuya Louis, tunay na kapatid ko. Itinatago ko ito dahil umaasa pa rin akong buhay at babalik sya sa bahay na 'to. I took one blue sando shirt in my cabinet. Nasa pinakasulok pa 'to kaya medyo nahirapan ako. Hindi naman ito mukhang luma, amoy taguan nga lang. Nagmadali na kong pumunta ulit sa pwesto ni Axel dahil alam kong nilalamig na sya. Hindi naman sya sanay sa aircon lalo na't nakatodo ito. After dressing him up, I started to record the scores of my students.

     99% of them were checked the last number of my exam and only 1% is not. Seven Steve Alcover. Somehow, medyo nagbago ka nga pero hindi pa rin mawawala na still, may respeto ka pa rin.

    It's already midnight when I finished recording those papers. Pinatas ko na ang mga ito sa isang side. Sa sofa na lang siguro ako matutulog. Ayoko namang tumabi kay Axel baka kung ano pa ang isipin ng isang yan kapag nagkataon. OA pa man din 'yan. I took one pillow and threw it there. Humiga na ko at ipinikit ko na ang mga mata ko. Ilang segundo lang nakatulog na ko.

       Mga 3 am, naalimpungatan ako dahil parang lumutang ako at dahan-dahang bumagsak sa malambot na kama. 'Yun pala, nilipat lang ako ni Axel ng higaan.

"Matulog ka na ulit." bulong nito sa tenga ko at hinalikan pa ko sa noo bago sya lumakad at lumabas sa kwarto ko.

  Dahil na rin siguro sa pagod pa rin ako, nakatulog agad ako. Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Inabot ko ang cellphone ko na nasa table na katabi ng kama ko at tiningnan ang oras. Mag-aalas sais na pala. Bumangon agad ako at dumeretso sa banyo. Ginawa ang morning rituals - naghilamos, nagmumog gamit ang mouth wash, at deretso ligo na rin.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon