Welcome back
[ S O P H I A ]
Nakauwi na ko ng bahay nang mga bandang alas syete na ng gabi dahil dumaan pa ko sa convenience store at bumili ng snacks kaya napagalitan na naman ako ni Axel. Pumunta na ko sa kwarto ko para iwasan ang panenermon nya kaya alam kong mas nainis sya sa'kin. Buti na lamang ay hindi na sya sumunod sa'kin dahil tinawag na sya ni Manang Rosie.
Hindi ko na nilock ang pinto ng kwarto ko. Wala na rin akong pakialam kung pilitin pa ko ni Axel na kumain mamaya. Magtutulog-tulugan na lang ako para hindi na sya mangulit.
Dumeretso na ko sa banyo at naglinis ng katawan. After that, humiga na ko sa kama ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at nakarecieve na naman ako ng text mula sa nagtext sa'kin kagabe kaya nireplyan ko na lang ulit.
Unknown: nerd...
Me: Sino ba 'to?
Unknown: nakita mo na ba si Eli?
Me: Huh?Anong Eli? Pinapahanap nila ako, para saan kaya?
Unknown: ay, mali pala. wrong send.
Me: Ahh. Okay. Sino ka ba?
Unknown: hulaan mo.
Me: Hindi ako si Madame Auring.
Unknown: hindi ko sinabing ikaw 'yon.
Me: Psh. Balakadyan. =__=
Unknown: thanks ulit sa pagliligtas kanina. si seven nga pala 'to.Hindi ko na nireplyan. Lakas ng trip eh. Ang hilig nya pa rin pala sa mga ganun.
Sa bawat oras na napapalapit ako sa kanilang muli, nahihirapan akong magpanggap na wala lang sa'kin lahat. Lalo na't hanggang ngayon pala pinapahanap nya pa rin ako. Naiinis ako sa sarili ko. Ayokong aminin na naging mahalaga sila sa'kin. Nalulungkot ako dahil sa nangyari sa pagkakaibigan namin. Isang kasalanan na wala naman akong kinalaman. Yan ang sumira sa pagkakaibigan namin.
After ilang oras na pag-iisip, nakatulog na ko. Nagising lang ako nang kumatok sa kwarto ko si Manang Rosie. Ang tansya ko pa, mag-aalas-singko pa lang ng umaga at tama nga ako. 4:30 am pa lang nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko. Nakakapagtaka naman.
"Ija, pasensya ka na sa abala ha? Birthday kasi ngayon ni Axel. Magpapatulong sana ako sayo." mahinang sabi ni Manang Rosie at ngayon ko lang iyon naalala. Pinauna ko na si Manang Rosie sa baba at sumunod na rin ako makalipas ang ilang minuto.
Nagluluto na si Manang Rosie nang makababa ako. Tumulong naman ako agad at ako na ang nagtapos ng niluluto niya habang naghihiwa at nagtatalop sya ng iba pang ingredients para sa niluluto namin.
Natapos na kaming magluto makalipas ang ilang oras. Nakahanda na rin ang pagkain kaya pinapuntahan sa'kin ni Manang Rosie si Axel sa kwarto nya. Buti na lang at hindi nakalock. Pumasok na ko at nakita kong natutulog pa sya. Napakaaliwalas sa buong kwarto. Hindi mo aakalaing lalaki ang may-ari sa sobrang linis nito. Peach ang kulay ng buong kwarto at may mga poster ng NBA players at buong cast ng Slumdunk. Nakapatas naman sa isang sulok ang mga CD's at ilan nyang mga libro. Naagaw naman ng pansin ko ang dalawang picture frame na nasa table na katabi ng bed nya.
Lumapit ako agad rito at kinuha ang isang frame. Litrato nila ni Eli. Nakapeace sign naman si Eli roon at abot na sa tenga ang ngiti unlike Axel. Seryoso sya sa picture at hindi man lang sya ngumiti kahit pilit lang. Pati litrato nila ni Georgina, wala man lang kangiti-ngiti. Bahagya naman akong natigilan nang makita ko ang picture na nasa isang frame. Ibinalik ko na ang hawak kong frame at kinuha ko naman 'yung isa. Litrato nilang lahat. Ganito rin 'yung nakita kong picture sa Sketch pad ni Seven noong isang araw. Iniingatan pa pala talaga nila ang picture na 'yon.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Girl
Teen FictionA typical story of nerdy girl who lived peacefully for good but when her past hunt her, will she hide and run until it lasts forever? She decided to live by her own to hide everything about her. Iniwan nya ang mundong sya mismo ang gumawa at sya ri...