XIII

42 1 0
                                    

Sinichi & Koda

[ S O P H I A ]

                      Pumasok na ko sa detention room at dalawang oras lang ang hinintay namin. Pinalabas na kami. Mas naunang lumabas sina Mikoto sa'kin. Tiyak na mas marami na ang mga babaeng nasa labas ng detention room kaysa noon.

                      Kung dati pinagbubulungan lang nila ako ngayon ay iba na. Hindi na bulong dahil they directly said how flirt am I in front of me. As if naman totoo 'yon. Nakayukong lumakad na lang ako habang lahat ng nasa paligid ay nagtatawanan.

Nakita ko sina Mikoto na nakatayo sa hindi kalayuan at nakatingin rin sila sa'kin. Kalbaryo nga na napalapit ako sa kanila ulit. Haist! Ang alam ko pinagbabawal sa school na 'to lahat ng ginagawa nila. Pinapatunayan lang nila sa lahat kung gaano kabasura ang ugali nila. They all judge me at hindi na ko natutuwa roon. Lumapit naman sa'kin si Mikoto at iniwan nya 'yung lima.

"Nerd..." I cut Mikoto.

"I can handle myself." I said it with full of confidence bago ko sya lampasan. Tapos na rin naman ang class hours kaya umuwi na lang ako.

Alas sais pa lang ng gabi pero parang bar na agad ang buong bahay ko. Pumayag kasi ako na magpaparty si Manang Rosie dahil birthday nga ni Axel. Isa kasi sa birthday wish nya ay makasama ang Eight's but it's impossible because of me. May ilan ring mga katrabaho ni Axel ang nagpunta at ang ilan pa ay mga kaklase nya noong college sya. Two-year course lang kasi ang kinuha ni Axel kaya nakagraduate agad sya at dahil matalino at masipag sya, mataas na ang position niya sa isang fast food na pagmamay-ari rin ni Evil Superior.

"Sophia, wala ka bang inimbita?" tanong ni Axel sa'kin. Nasa kusina kasi ako nang pumasok sya bigla at tinanong nya 'yan.

"I'm a loner." sagot ko sa kanya bago inumin ang tubig na sinadya ko sa kusina.

" I see." matipid na sabi na lang nya at umalis na sya sa kusina.

Hindi ko maiwasang tumingin muna sa kanya bago sya tuluyang makalabas ng kusina. He's wearing a black shirt and pants. Nagluluksa? Favorite color nya 'yun. Mas lumilitaw ang kaputian niya dahil dun. Naalala ko kung paano niya ko kausapin kanina. Napakaseryoso nya at mas lalong nagiging singkit ang mga mata niya. Gwapo sya kaso hindi marunong ngumiti. Though mabait naman syang anak at magalang. Napabungtong hininga na lang ako. Pinupuri ko na naman si Axel sungit.

Lumabas na rin ako sa kusina at dumeretso sa hardin kung saan ginaganap ang party. Nakita ko sina Mikoto na nakaupo sa gilid ng pool na nasa kanang bahagi ng hardin.

"Nerd... Ikaw pala yan. Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Seven nang makalapit ako sa pwesto nila. Nilingon rin ako ng ibang soldiers at halata naman sa itsura nila ang pagkagulat. And besides, bahay ko to kaya malamang na nandito ako.

Hindi ko sya sinagot dahil hindi naman required sa party na 'to ang sagutin ko ang tanong niya. Nagpunta na lang ako sa isang side ng pool na malayo sa pwesto nila at naupo roon. Nakita ko namang tumayo si Mikoto at parang nagpaalam sya sa mga ito bago maglakad papunta sa direksiyon kung saan ako nakapwesto. Nilaro ko na lang tubig sa pool gamit ang mga paa ko. Lumampas lang sa pwesto ko si Mikoto at pumunta sya sa isang water despenser. Akala ko maliit na handaan lang ang mangyayare, hindi pala. =___=

Napatigil naman ako sa pagtatampisaw nang may umupo sa tabi ko. Hindi ko sya kilala. Katrabaho siguro ni Axel.

"Mag-isa ka lang ba?" tanong nya. Mga pantangang tanong. Nakita naman nyang mag-isa ako. Hindi ko na lang siya sinagot at baka kung ano pang pambabara ang masabi ko sa kanya.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon