VI

51 1 0
                                    

Mr. Xye Tañaga

[ S O P H I A ]

             Pumunta na ako sa faculty room. Nadatnan kong nagtatalo sina Mr. Sarada at Mr. Tañaga tungkol sa hindi ko alam. Magsusuntukan na nga sila kung hindi ko lang pinigilan.

"Makialam ka pa sa susunod at magkakasubukan tayo." may pagbabantang sabi ni Mr. Sarada kay Mr. Tañaga at tumingin muna ito sa'kin bago tuluyang umalis. Wierd.

     Agad ko namang tiningnan si Mr. Tañaga para i-check kung okay lang sya. “Okay lang ako.”

           Di ko na sya pinansin. Pumunta na lang ako sa banyo ng Faculty Room at nagpalit na ng damit. Paglabas ko sa banyo wala na dun si Mr. Tañaga kaya dumeretso na ko sa classroom namin.

"Nerd." pagtawag sa'kin ni Mikoto. Lumingon naman ako agad dito at mahahalatang badtrip pa rin sya.

       Tumingin ako sa kanya like I'm asking him kung bakit nya ko tinawag kaso hinila nya lang ako papunta sa kung saan at hindi na nya ko sinagot sa tanong ko.

     Napadpad kami sa likod ng school at parang alam ko na ang plano nya. Pinaakyat nya ko sa pader na mataas at to be honest, hindi ako nakaakyat dun. Ang tangkad ko kasi masyado kaya in the end pinatungtong nya ko sa balikat nya.

“Yumuko ka.” mayy pagbabantang sabi ko agad sa kanya.

"May masisilip ba? Umakyat ka na nga lang." pagsusungit nya. Psh. Sumunod na lang ako sa sinabi nya. Ayoko rin kasing umattend sa klase ni Mr. Sarada.

     Nang makaakyat na ko sa pader tumalon na agad ako pababa sa labas ng school.

"What the? Natalon mo?" gulat na tanong naman nito sa'kin nang makita niya ang ginawa ko.

     Nagsimula na lang akong lumakad kaysa sagutin ang tanong nyang halata naman ang sagot. Bumaba na rin sya dun at sumunod sa'kin. Hinila nya ko papuntang computer shop. Malapit lang naman ito pero bakit parang tago naman masyado ang lugar? Pumasok na sya sa loob kaya pumasok na lang din ako.

     Maingay na manlalaro agad ang bumungad sa'min. Lumapit sya sa nagbabantay ng computer shop at sinabi nyang dalawa. At hinila na naman nya ko. Pumunta kami sa 2 at 3. Sa 2 ako umupo at sya naman sa 3.

"Bagong chicks mo, Mikoto?" tanong nung isang lalaki. Hindi naman na sila pinansin ni Mikoto.

     Inaya na lang nya ko na maglaro kami. Ito pa rin 'yung larong nilaro namin sa rooftop noon. Magkasagpi kami ni Mikoto at kalaban namin yung nasa 1 at 4. Madumi silang maglaro. Siniko pa ko nung lalaking nasa 1 at hindi ko na lang ito pinansin kaso siya yung nagpapapansin. Siniko ako ulit nito at gumanti na ko kaya agad syang napadaing. Nakafocus pa rin ako sa laro kaya parang wala akong ginawa sa kanya. Nainis na siguro sya sa'kin kaya tumayo sya at hinila ako patayo.

"Any problem?" tanong ko sa kanya. Nakuha na rin namin ang atensyon ng lahat pati na rin ni Mikoto. Tumayo si Mikoto at itinago nya ko sa likod nya.

"Anong problema mo sa girlfriend ko ha?" mayabang na tanong niya sa lalaki. Psh. Anong girlfriend ang pinagsasasabi nito?

"Girlfriend mo pala ang malanding yan." nang-aasar na sabi niya kaya nasuntok agad sya ni Mikoto.

That Nerdy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon