Leaving Eight's
[ S O P H I A ]
Lunes. Halos takbuhin ko na ang hagdan paakyat sa classroom namin dahil late na naman ako. Tinanghali kasi ako ng gising dahil hindi na naman ako makatulog. Insomnia na naman. Ilang beses nga akong bumaba kagabi para kumuha ng gatas kaso wala talagang epekto 'yon, di pa rin ako nakatulog agad.
Ilang minuto na lang mahuhuli na naman ako sa klase kaya mas binilisan ko na ang pagtakbo. Wala naman akong pakialam kung magulo ang buhok ko dahil magulo naman na talaga 'yon. Nakita ko sa hindi kalayuan si Mr. Tañaga at makakasalubong ko sana sya kung hindi lang sya kinausap ng isang estudyante. Nang makarating ako sa classroom, walang tao. As in, wala ring bag. Seryoso? Wala bang pasok ngayon? Bakit di man lang ako nainform?
Napalingon naman ako nang biglang magsara ang pinto at dahil na rin sa biglang paglock nito sa labas. Dali-dali naman akong lumapit roon at kahit anong pilit kong pagbubukas ay hindi ito mabuksan. Bullshit! Ako na naman ang napagtripan ng babaeng iyon. Malilintikan na talaga sa'kin 'yang si Selene.
Kapag talaga nakalabas ako dito, aalamin ko na ang schedule ko. Nakalimutan ko kasing tingnan. P.E pala namin ngayon at 3 hours ang klase namin at tiyak na nasa Gym ang mga kaklase ko.
Naupo na lang ako sa upuan ko at umub-ob. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil sa ingay ng tao sa paligid.
"Seryoso? Ang bad talaga ni Selene. Bakit nya kinulong dito si Nerd?" bulong ng isang babaeng dumaan sa tapat ng classroom namin.
"Bagay lang yan kay Sophia no?! Ang landi kaya nyan. Bali-balita pa nga na may relasyon sila nung CEO ng Conde Corporation tapos nilalandi pa sina Mikoto at Seven." sabi pa nung isang babae.
I don't bother myself to give them a shit. Tss. Mga walang magawang matino sa buhay nila. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung paano ako makakalabas sa letseng kwarto na 'to. Masyado na kong malas ngayong araw. Wala na nga akong maayos na tulog tapos ikukulong pa ko dito. =___=
"Isa! Wag mo kong pigilan, kuya Seven." sigaw ng isang babae mula sa labas, si Selene.
"Mayayari talaga ako nito kay Mikoto, Selene. Hindi ka ba natatakot sa gagawin ni Gael sayo?" nag-aalalang sabi ni Seven sa kapatid niya.
"Mas natatakot ako sa gagawin sa'kin ni Mr. Sarada. Gago ka! Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako napunta sa ganito kakumplikadong buhay!" inis na sigaw nito bago bumakas ang pinto ng classroom namin.
Wala naman nang tao sa labas. Takot na lang nila sa President ng class A at Secretary ng Student Councils - Selene Alcover. Isama pa na kasama niya ang kapatid nyang si Seven.
Nakipagtitigan si Selene sa'kin. at umiwas ito agad gaya ng inaasahan. Wala pang nakakatagal sa pakikipagtitigan sa'kin except him. "Problem?" tanong ko sa kanya.
[ S E L E N E ]
"Problem?"walang emosyong tanong nya.
Iba talaga ang nagagawa ng isang err - nevermind.. Kakatakot ang mga tingin nya. hindi ko alam kung bakit gusto kong kilalanin at sundan si Sophia pero alam kong mula noong naging encounter namin sa rooftop, parang kilala ko na sya. Iba ang kutob ko. Alam kong hindi sya isang nerd lang at lalong hindi sya isang estudyante na galing sa mahirap na pamilya.
"Tara na kasi! Wag mo na lang gambalain si Nerd. Patay talaga tayo kay Mikoto." pamimilit ni kuya sa'kin.
Bat ba sya natatakot kay Gael? We all know na plano lang ni Gael na palambutin ang puso ng nerd na 'to at kapag nagawa na nya 'yon, wala na! Iiwan nya rin ito. It simply like, it was part of their game para mapilitang umalis si nerd dito kasama ng kinaiinisan nilang teacher - Elizabeth Smith.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Girl
Teen FictionA typical story of nerdy girl who lived peacefully for good but when her past hunt her, will she hide and run until it lasts forever? She decided to live by her own to hide everything about her. Iniwan nya ang mundong sya mismo ang gumawa at sya ri...