Kabanata 1

4.3K 99 0
                                    

"Rian, tulungan mo nga akong linisin ang mga kwarto." utos sa kaniya ng tiyahin niya.

Sumunod naman siya agad dahil darating sa isang linggo ang anak ng kaniyang amo.

Magdadalawang buwan na siyang nagtatrabaho sa pamilya ng Dela Vega. At wala siyang masabi sa mga ito. Mabait ang amo niyang lalaki kahit na nasa ibang bansa ito, dahil binigyan sila ng tig-iisang kuwarto. Malalaki rin ang mga iyon. Mataas rin ang sahod nila kumpara sa iba.

"Lahat po ba ng kuwarto? Pati guest room Tiyang?" tanong nya rito.

"Oo, unahin mo na iyong kwarto sa dulo." utos nito sa kaniya.

Kaagad siyang pumunta sa dulong kuwarto. Hindi niya alam kung kanino iyon. Pero sa tingin niya ay lalaki ang gumagamit dahil na rin sa mga bagay na naroon. Maganda ang loob ng kuwarto. Lalo na ang kulay niyon na itim at abo.

Inumpisahan niya nang maglinis. Lahat ng kasuluksulukan ay nilinis niya, mahirap na at baka si Mr. Dela Vega pala ang gumagamit ng kuwarto, mapagalitan pa sya.

Habang inaayos niya ang lamesa sa tabi ng kama ay naagaw ang pansin niya ng malaking closet. Marahang binuksan niya iyon at tumambad sa kaniya ang napakarami at mamahaling mga damit.  Puro mga pambinatang damit iyon. Matanda naman na ang kaniyang amo, kaya nagtataka siya kung kaninong kuwarto ang kanyang nililinis.

Isa-isa niyang tinanggal ang laman ng closet at napagpasyahang linisin ito. Habang tinatanggal ang mga damit ay nanuot sa kaniyang ilong ang amoy niyon. Para siyang nalalasing dahil sa bango ng mga ito.

Nang matapos ay agad na siyang lumabas at ang kuwarto naman ng among si Zerine ang kaniyang nilinis.

Maayos naman ang kwarto nito, dahil araw-araw iyon pinapalinis kay Alona. Sa katunaya'y ngayon lamang siya nakapasok doon.

Napakaswerte ni Maam Zerine dahil naging anak ito ng mayaman at mabait na si Mr. Dela Vega.

Patapos na siyang maglinis nang mahagip ng tingin niya ang picture frame sa mesa nito. Litrato iyon ng among dalaga at mga kaibigan nito. Napangiti siya nang mapansing puro guwapo at magaganda ang magkakaibigan at pawang mayayaman pa.

"Nakakapagod!" narinig niyang sabi ni Alona habang nag-iinat. Naroon sila ngayon sa garden para magpahinga. Katatapos lang kasi nilang maglinis ng buong bahay.

"Siguro super ganda ni Maam Zerine sa personal. Kasi ang ganda niya na sa picture pa lang." sabi niya sa mga pinsan.

"Oo nga eh. Nakakainggit siya ano. Super yaman niya tapos ang sabi ni Tiya mabait din daw si Maam Zerine." sabi naman ni Lilibeth.

Naalala niya bigla ang kabilang kwarto. Tatanungin niya sana ang mga pinsan kung alam ba ng mga ito kung sino ang gumagamit niyon. Kaya lang ay ipinatawag na sila ng tiyahin niya. Sa ibang pagkakataon na lamang niya iyon aalamin. Bigla siyang napangiti ng tila naamoy niya ulit ang mga damit kanina. Lalaking-lalaki ang amoy ng mga iyon.

Pagkalipas ng buong linggong paglilinis ay dumating na ang araw ng pagdating ng anak ng kanilang amo. Si Zerine.

Kaagad silang lumabas ng marinig ang paparating na sasakyan. Dumating na nga ang dalagang amo.

Tama ang sinabi niya, sobrang ganda nga nito sa personal. Ngumiti lamang ito sa kanila ng ipakilala sila ng tiyahin niya, pagkatapos ay agad nang umalis.

"Maghanda na kayo ng mga lulutin para sa mamaya." utos sa kanila ng tiyahin. Agad naman silang tumalima dito.

"Oy, nalaman ko may pinsan daw si Ma'am Zerine. Gwapo." narinig niyang sabi ni Alona.

Dahil doon naalala niya ang silid na nilinis. Ito siguro ang gumagamit niyon.

"Talaga?" tanong naman ng nakangiting si Lilibeth. Hindi na lamang niya pinansin ang dalawa at nagpatuloy na sa ginagawa.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon