Kabanata 9

2.2K 65 2
                                    

Todo iwas ang ginawa niya kay Shunichi nang mga sumunod na araw.

Akala niya parehas sila ng nararamdaman. Assuming lang pala siya. Akala niya iba si Shunichi. Pero parang magkatulad lang ito at si Bryan.

"Andrian! Kanina ka pa tulala. Ano bang iniisip mo?" seryosong tanong ni Lilibeth sa kaniya. 

Hindi niya ito sinagot at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng mga display sa sala.

"May problema ka ba?" tanong naman ni Alona.

Ayaw niya nang umiyak, pero biglang tumulo ang luha niya.

"Nagbreak na kayo ni Sir?!" malakas na sabi ni Lilibeth.

"Hindi kami nagbreak. Wala namang kami eh." umiiyak na sabi niya sa dalawa.

"Ito na nga bang sinasabi ko eh. Naku! Paasa pala yun si Sir! Kung makalapit sayo akala mo naman..naku naku. Nakakabeastmode sya!" nanlalaki ang matang sabi ni Alona.

Sinuway niya ang pinsan, baka may makarinig pa dito.

"Anong gagawin mo ngayon?" tanong sa kaniya ni Lilibeth.

"Ewan." mahinang sabi niya at iniwan ang dalawa nang makita ang papasok na si Shunichi.

Nakahinga siya ng maluwag nang nasa kusina na siya. Ayaw niyang makita si Shunichi.

Nagpalipas muna siya ng ilang oras doon bago napagpasyahang pumasok sa kwarto para maligo. Pakiramdam niya kasi amoy pawis na siya dahil sa paglilinis.

Nang matapos maligo ay kaagad na siyang nagbihis. Lalabas na sana siya ng pumasok si Shunichi.

Matiim lamang itong nakatitig sa kaniya. Umiwas sya ng tingin dahil baka bigla na naman siyang maiyak.

"May problema ba tayo?" napaismid siya sa tinanong nito. Gaano ba ito kamanhid at hindi nito ramdam na nasaktan siya nito.

Hindi siya sumagot sa tanong ni Shunichi. Lalagpasan nkya na sana ang binata nang inilang hakbang lamang nito ang pagitan nito sa pinto. Narinig niya ang pagtunog ng lock niyon kaya napatingin siya kay Shunichi.

"Iniiwasan mo ba ako?" nakatiimbagang na tanong nito.

"Kung 'yon ang pakiramdam mo, oo." sagot niya rito at inabot ang doorknob, pero bigla siyang pinigilan ni Shunichi.

"Bakit?" napatawa siya ng pagak sa tanong nito.

"Kung ano sa tingin mo ang dahilan at iniiwasan kita 'yon, 'yon." sabi niya rito at pinilit makalabas ng kwarto. Imposible naman hindi nito iyon alam.

Naramdaman niya ang pagsunod sa kaniya ni Shunichi kaya binilisan niya ang paglalakad. Nang maabutan siya nito ay agad nitong hinawakan ang kaniyang braso.

"Andrian! Hindi kita maintindihan." malamig na sabi nito.

"Ako rin Sir Shunichi. Hindi rin po kita maintindihan." malamig ring sabi niya rito.

Magsasalita pa sana ito ng biglang dumating ang kaniyang tiyahin. Labag man sa loob ni Shunichi ay binitawan nito ang kaniyang braso. Kaagad siyang umalis para hindi na ito makausap.

"Hija, may problema ka ba?" masuyong tanong sa kaniya ng tiya Leni nya. Naroon siya ngayon sa garden at dinidiligan ang mga halaman.

Napatingin lamang siya dito.

"Okay lang kung ayaw mong sabihin sa akin." nakakaunawang sabi nito.

"Namimiss ko na po sina nanay." naiiyak na sabi niya. Niyakap naman siya ng tiyahin. Alam niyang alam nito na hindi iyon ang dahilan niya. Pero inunawa na lamang ng tiyahin niya ang kalagayan niya.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon