Kabanata 14

2.1K 64 2
                                    

Shunichi.

"Please Shun, para naman kay Zerine 'yon. Di ka naman basta-basta ipagpapalit ni Rian." sabi sa kaniya ni Chrome.

Tumawag ito sa kaniya dahil may ipagagawa raw. Sosorpresahin daw kasi nito si Zerine. At kailangan nito ang tulong niya.

Pumayag na lang siya, isang linggo lang naman iyon. Magpapaalam na lang siya ng maayos kay Rian.

Dala-dala ang malaking teddy bear ay nakangiting nagdrive si Shunichi pauwi. Sa tingin niya mapapawi na ang inis ni Rian kapag nakita nito iyon. Sinabi lang niya sa nanay nito na kikitain niya ang kaibigan niya pero ang totoo ay bibili siya niyon para kay Rian.

Nang malapit na siya sa bahay ay napansin niya ang isang 'di pamilyar na kotse. Hindi na lamang niya iyon pinansin.

Inayos niya muna ang teddy bear habang marahang binubuksan ang pinto ng kotse.

Nang makababa ay parang sinaksak siya ng ilang ulit sa puso nang makita ang ginagawa ni Rian. Hindi siya nakagalaw at walang emosiyong nakatitig lamang sa dalawa.

Alam niyang ang lalaking kahalikan nito ang dati nitong nobyo. Pinaimbestigahan niya kasi ito simula nang malaman niya mula sa kanilang kapitbahay na sinampal si Rian ng mama ni Bryan.

Hindi niya na inungkat iyon kay Rian dahil baka magalit lamang ito sa kaniya.

Dahil sa sakit na nararamdaman ay napatiimbagang si Shunichi. Sayang lang pala ang mga ginawa niya.

Wala na ba talaga siyang pag-asa na mapatawad pa ni Rian?

Pumasok siya sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon. Nang medyo makalayo na siya ay malakas niyang hinampas ang manibela ng ilang beses.

Napatawa siya nang maramdaman ang pagtulo ng kaniyang luha. Hindi niya akalaing darating siya sa ganitong punto.

Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas habang paulit-ulit na sinusuntok ang manibela ng kotse. Doon na lamang niya itinuon ang galit nya.

Nagmaneho lamang siya ng nagmaneho. Hanggang sa namalayan niyang maliwanag na at nasa harap na siya ng bahay nila.

Mabuti na lamang at hindi siya naaksidente, gayong wala pala siya sa sarili habang nagmamaneho.

"Bakit ang laki ng ngiti mo?" tanong niya sa pinsang si Zerine nang makita niya ito.

"Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Rian?!" tanong nito sa kaniya at agad tumingin sa likuran niya. Akala siguro nito kasama niya ang babae.

"May iba na siya. Ayaw ko na muna siyang pag-usapan." sabi niya at dire-diretsong naupo sa sala.

"Tinanong mo ba kung sila? Baka tamang hinala ka lang." tamang hinala? Nakita niya mismo sa harap niya.

"Hinalikan niya si Rian, kung hindi sila bakit niya naman gagawin 'yon?" inis na sabi niya kay Zerine.

"Shun, hindi porket hinalikan siya eh sila na. Malay mo nakaw na halik lang." sabi ni Zerine sa kaniya. Nakaw na halik? May nakaw na halik bang pagkatagal-tagal?

"Ah basta! Tsaka nandito ako dahil may importante akong gagawin." sabi na lamang niya dito para hindi na nila pag-usapan pa si Rian.

"Ano naman? Wala namang problema sa kompanya ah." sabi nito sa kaniya.

"Basta, pag hindi ko 'yon inasikaso baka ipapatay ako no'n." sabi niya pa rito.

"What? Ireport mo kaya sa pulis! Grabe naman 'yan." nanlalaki ang matang sabi nito sa kaniya.

"I can't." sagot na lamang niya at umakyat papunta sa kaniyang kwarto. Hindi niya pwedeng sabihin kay Zerine ang plano. Isa pa, wala siyang lakas na magsalita pa.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon