Kabanata 20

2.1K 51 0
                                    

Umiiyak na nagtago sila ni Aris sa talahiban. Wala na silang pakialam kahit na makati pa roon. Basta ang mahalaga ay hindi sila makita ni Bryan.

Maya-maya ay napansin niya ang pagtanggal ni Aris ng suot nitong coat. Hindi na siya nabigla nang isuot nito sa kaniya iyon. Halos wala na kasi siyang suot dahil sa sinira nga ni Bryan ang damit niya.

"Patay talaga ako kay Shunichi nito." sabi ni Aris habang inaalalayan siyang masuot ang coat nito.

Umiiyak lamang siyang tumingin dito.

"Andrian!!!!" sabay silang napasinghap ni Aris nang marinig ang pagtawag ni Bryan.

Kaagad skyang niyakap ng katabi nang magsimula na naman siyang manginig.

"Don't worry. I'm here." pagpapakalma sa kaniya ni Aris.

"Sige! Magtago lang kayo. Dahil kapag nakita ko kayo, hindi ko na kayo bubuhayin!!" sigaw pa nito.

Tahimik naman siyang pinapatahan ni Aris. Marahan siyang hinila nito para makalayo sila kay Bryan.

Pero ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang biglang may humila sa kaniya palayo kay Aris.

"Akala niyo hindi ko alam na d'yan kayo nagtatago!" nanlilisik ang mga matang sabi sa kaniya ni Bryan

Hindi niya magawang sumigaw dahil sa sakit na naramdaman sa pagkahila ni Bryan sa kaniya.

Napapikit siya ng akmang susuntukin siya ni Bryan. Pero maagap si Aris at dinambahan kaagad nito si Bryan.

"Aris!" sigaw niya nang makatanggap ng malakas na suntok ang kaibigan.

"Bryan 'wag!!!" sigaw ni Rian nang makitang naglabas ng baril si Bryan. Hindi ito nakinig na alam naman niyang gagawin nito. Para siyang nabingi nang marinig niya ang pagputok ng baril na hawak ni Bryan.

"Aris!!" sigaw niya at napatakbo kay Aris nang barilin ito ni Bryan.

"Shit!" sabi nito, mabuti na lamang at daplis lang ang natamo ni Aris.

"Bryan tama na please!" pagmamakaawa niya kay Bryan habang nakaharang ang katawan niya sa nakaupong si Aris.

Hindi siya pinansin ni Brian, bagkus ay naglabas ito ng patalim at lumapit sa kanila.

"Wag!!!" sigaw ni Aris ng hilahin siya sa buhok ni Bryan at tinutok nito ang patalim sa kaniyang leeg.

"Wag! Please wag, ako na lang, ako na lang." umiiyak na sigaw ni Aris kay Bryan.

"Bryan, maawa ka sa amin. Maawa ka sa anak ko." pakiusap niya rito.

"Maawa? Kasalanan mo rin naman kung bakit ko ito ginagawa. Di ba ang sabi ko akin ka lang?! Pero anong ginawa mo?! Sumama ka kay Dela Vega!!" sigaw nito sabay diin ng patalim sa kaniyang leeg. Napaaray siya nang maramdaman ang sakit ng pagkakasugat ng kaniyang leeg.

"Bryan!!!!" sigaw ni Aris sabay damba kay Bryan.

Pero ganoon na lang ang kaba niya nang iwasiwas nito ang patalim kay Aris.

Napasigaw si Aris ng tamaan ito ni Bryan. Pero mas malakas ang sigaw niyang pumunit sa tahimik na gabi nang makita kung saan tinamaan ang kaibigan.

"Aris!!!!" umiiyak na sigaw niya sabay pulot ng malaking bato at akmang ipupukpok sa nakatalikod na si Bryan.

Tanging sa balikat niya lamang natamaan si Bryan dahil maliksi itong nakaiwas.

Sinakal siya nito ng ubod ng higpit. Maya-maya ay nakarinig siya ng putok. Naramdaman niya ang pagluwag ng sakal ni Bryan. Hanggang sa matanggal iyon at bumulagta ito sa lupa.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon