Aris.
"Get out and leave me alone!!!!"malakas na sabi niya sa katulong na nagdala sa kaniya ng kape sa study room.
"S-sir, pasensiya n-na--"
"Labas!" malamig ang boses na sabi niya rito.
Bakit ba ganoon sila makatingin. Unang beses lang ba nilang makakita ng taong may peklat?
"Hey relax," sabi sa kaniya ng kapapasok lang na si Huedrex.
Tiningnan niya muna ng matalim ang nasa harap bago nya uli itinuon ang pansin sa mga papel na pinipirmahan.
"Bakit ba kasi laging mainit ang ulo mo Aris?" tanong sa kaniya ni Huedrex habang tinitingnan nito ang kaniyang mukha.
"Dahil sa ginagawa mo. Bakit kung makatingin kayo para akong ibang tao?!" inis na sabi niya rito.
"May madaling solution d'yan sa problema mo. Surgery." sabi nito na lalong ikinasama ng tingin niya.
"I hate plastic surgeries." totoo iyon, nandidiri siya isipin niya pa lang na hihiwain ang laman niya.
Sabihin na nating babalik ang dati niyang mukha kapag nagpaplastic surgery siya, pero mas okay sa kaniya ang may peklat at may natural na balat.
Napaka oa niya na siguro, pero ganoon talaga. Ayaw niyang masabihan ng fake.
"Ayaw mo magpasurgery, pero lagi ka namang galit sa tao, lagi mong itinatago iyang sarili mo sa kanila at ikinukulong mo ang sarili mo dito." mahabang sabi nito.
"Mas mabuti na iyon. Basta ayaw ko magpaplastic surgery!" inis na sabi niya sa kaibigan at saka ito iniwan.
Magdadalawang buwan na siyang nakakulong sa kaniyang bahay. Minsan lamang siya kung pumunta sa kaniyang opisina. Hindi niya na rin pinagupitan ang buhok para may maitabon siya sa mukha kung sakali mang tititigan siya ng matagal ng kanyang mga empleyado.
Kahit sa pagkain ay nag-iba na siya. Kung dati'y kasalo niya maging ang kaniyang mga katulong, ngayon hinihintay niyang matapos ang lahat saka lamang siya lalabas ng kwarto.
"Bryan." bulong niya habang nakatingin sa salamin at pinapadaanan ng daliri ang mahabang peklat.
Ito lamang ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari. Walang kasalanan si Rian. Nakuha niya ang sugat na iyon sa pagpilit na iligtas ang babae. Dahil kung hindi niya ito ililigtas baka hindi lang peklat sa mukha ang natamo niya.
Nasuntok niya ang dingding ng kaniyang kwarto ng maalala ang ginawa ni Bryan kay Andrian.
Nakakulong si Bryan sa isang mental hospital. Tuluyan na nga itong nabaliw pagkatapos ng ginawa nito sa kanila ni Rian. Nang tanungin raw ito ng mga doktor kung may naaalala sa mga pangyayari, tanging sagot lamang nito ay, nag-enjoy ito sa paglalaro.
Paglalaro? Nakakagago ang sagot nito. Kung hindi lamang baliw si Bryan at kung pwedeng siya ang masunod baka pinatay niya na ito.
Bigla siyang napatingin sa pinto ng kwarto nang may kumatok doon.
"Bakit ho manang?" tanong niya sa kaniyang kasambahay.
"May tumawag po galing sa opisina niyo sir, hinihintay na raw po kayo doon para mag-interview." magalang na sagot sa kaniya ng katulong. Tumango lamang siya rito at nag-ayos na ng sarili.
Tiim-bagang siyang naglalakad sa lobby nang kaniyang kompanya. Nasa kaniya kasi ang tingin ng lahat ng naroon. Lalo niyang ibinaba ang harapan ng kaniyang sombrero para hindi siya mailang. Isinuot niya rin ang hood ng kaniyang jacket na itim.
"Aray!!! Ano ba 'yan, hindi ka ba tumitingin sa dinara--" naputol ang sasabihin ng babaeng nabangga niya ng lagpasan niya lamang ito.
"Antipatiko." narinig niyang inis na sabi ng babae.