Kabanata 6

2.5K 73 12
                                    

Gaya ng sabi ni Shunichi ay palagi niya na itong tinatawag sa pangalan nito kapag sila lamang dalawa ang magkasama.

Nahihiya man ay hindi niya magawang sumuway, kung makatingin kasi ang amo ay parang tutunawin siya.

"Alona, tulungan mo si Rian sa paghatid ng meryenda sa sala." napatingin siya sa sinabi ng kanilang tiyahin. May bisita siguro silang dumating.

Nang madala sa sala ang pagkain ay doon niya nakita si Shunichi na kasama ang bestfriends nitong sina Huedrex at Aris.

Susunod na sana siya kay Alona nang tawagin siya ni Shunichi at ipakilala sa mga kaibigan nito.

Bakit nito iyon ginagawa? Ayaw man niya ay parang may kung anong sumisibol sa kaniyang dibdib.

"Huedrex, Aris si Rian. Rian, mga kaibigan ko." napatingin siya kay Shunichi nang marinig ang sinabi nito. Pilit siyang ngumiti sa mga kaibigan ng binata.

"Ikaw pala yung kinukwento sa amin ni Shun--aww!" napatingin siya kay Aris nang sikuhin ito ni Huedrex.

Nahihiyang lumingon siya sa amo.

"Ah, yes, naikukuwento nga kita sa kanila, kayo, sina Alona, sina manang Leni." tarantang paliwanag nito sabay tingin ng masama kay Aris.

"Ganoon po ba. Sige po, pupunta na po akong kusina." sabi niya habang namumulang nakatingin kay Shunichi.

"Loko-loko ka Aris, ilalaglag mo pa ako." narinig pa niyang sabi ni Shunichi bago siya makapasok sa kusina.

"Anong meron at nakangiti ka ng malaki?" taas ang kilay na tanong sa kaniya ni Lilibeth.

"Wala." napapangiting sagot niya rito.

"Sus! Akala mo hindi namin napapansin? Parang nagiging malapit kayo ni Sir. Anong meron sa inyo? Nililigawan ka ba niya?" nakangising tanong ni Alona.

Ano nga bang meron sa kanila ni Shunichi? Kaibigan? Tama, magkaibigan nga sila ni Shunichi.

"Hindi ako nililigawan ni Shunichi." sabi niya sa dalawa at nagsimulang punasan ang mga platong hinugasan ni Lilibeth.

Nagulat siya nang bigla siyang pihitin paharap ni Alona.

"Sh-shunichi?!"bnanlalaki ang mga matang tanong sa kaniya ng mga pinsan.

"Ibig kong sabihin Sir Shunichi. 'Di ba kayo naglilinis ng tenga?" awkward na sabi niya sa dalawa.

"Hoy Andrian! Malinaw naming narinig 'yong sinabi mo. Siguro may relasyon kayo ni Sir ano?" pang-asar na sabi ni Lilibeth.

"Wala, magkaibigan lang kami. Siya rin nagsabi na tawagin ko siya sa ganoon. Hindi naman ako pwedeng tumanggi, amo natin siya." sagot na lamang niya sa dalawa para manahimik na ang mga ito.

"Talaga lang ha." nakataas ang kilay na sabi ni Alona pagkatapos ay ginawa na nito ang mga dapat gawin.

Oo, magkaibigan lang sila ni Shunichi. Hanggang doon lang iyon. Ayaw niyang umasa. Dahil gaya ng sabi niya, masasaktan lamang siya rito.

Simula nang ipakilala siya ni Shunichi sa mga kaibigan nito ay parang lalong naging malapit sa kaniya ang binata. Kahit ayaw niyang umasa ay hindi niya magawang pigilan ang sarili na kiligin. Lalo tuwing magpapaalam ito sa umaga na papasok na raw ito sa opisina.

Tuwing ginagawa iyon ng binata ay di niya mapigilang mapangiti maghapon. Para kasing iba ang dating sa kaniya ng ginagawa nito.

Minsan ay uuwi ito na may dalang pasalubong sa lahat, pero may nakahiwalay para sa kaniya. Gusto niya mang tanungin ito ay hindi niya magawa lalo pa't maraming mata ang nakatutok sa kanila.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon