Kabanata 3

3K 81 3
                                    

Simula nang magkausap sila ni Shunichi ay palagi na siyang nagpapahuli kung umalis ng kusina. Nagbabakasakali siyang mauulit pa iyon. Pero lumipas na lamang ang isang buwan ay hindi niya ito muling nakausap. Para bang umiiwas ito kapag nakikita siya.

Kaya nang gabing iyon ay nauna pa siyang umalis kaysa sa mga pinsan. Naisip niyang ano na lamang ang sasabihin ng kaniyang amo kapag nalaman nitong lagi niya itong inaabangan sa kusina.

Kinaumagahan ay maaga na namang umalis ang binata, kasunod nito ay ang pinsang si Zerine.

Hindi niya maitago ang lungkot sa isiping baka nga iniiwasan siya ni Shunichi.

"Pero, bakit naman niya ako iniiwasan?" mahinang tanong niya sa sarili. Iwinaksi na lamang niya ang anumang isipin at agad ginawa ang mga dapat gawin.

Sumapit ang gabi ay wala pa rin ang dalawang amo. Nag-aalala na siya dahil baka kung ano na ang nangyari sa mga ito.

Ilang sandali lamang ay narinig niya ang sunod-sunod na katok. Nagmadali siyang buksan iyon. Tumambad sa kaniya ang mga mukha ng mga kaibigan ng kaniyang amo.

Kaagad niyang napansin ang mga dugo sa braso ni Zerine at ang kilay ni Chrome na may hiwa. Tiningnan niya kaagad ang among binata. Tumingin lang ito pabalik sa kaniya at kaagad nang inalalayan si Zerine sa pag-upo sa sala.

Kaagad siyang sumunod sa mga ito sa sala nang makuha niya ang medicine kit. Hindi pa man niya nailalabas ang mga gagamitin sa paglilinis ng sugat ay lumapit na sa kaniya si Shunichi.

"Okay lang kami, matulog ka na." masuyong sabi ni Shunichi bago siya hinawakan sa braso para itayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Hinila siya nito papunta sa kaniyang kuwarto.

"Pero-." hindi niya naituloy ang sasabihin nang tumingin ito ng seryoso sa kaniya.

"Matulog ka na." malamig na sabi nito bago umalis.

"Bakit kailangan niya pa akong ihatid? Para namang hindi ko alam kung saan ang kwarto ko." nakangusong bulong niya sa sarili.

Muli niyang sinilip ang magkakaibigan. Nagulat pa siya ng magtama ang mga mata nila ni Sir Shunichi. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito at sinunod ang utos ng amo.

Sa mga sumunod na araw ay muli na namang naulit ang pakikitungo sa kaniya ng binata. Hindi na naman siya nito pinapansin.

Bakit nga naman siya nito bibigyang pansin? Katulong lamang siya ng mga ito. Dahil doon ay lalo siyang nalungkot.

Ano ba 'tong nararamdaman niya? Gusto na nga siguro niya ang lalaking amo.

"Ano ba yan?! Bakit sa kaniya pa? Amo ko 'yon eh. Hindi pwede, hindi pwede." mahinang sabi niya sa sarili habang naghuhugas ng mga plato.

Nang matapos ay kaagad niyang pinatay ang ilaw at pumasok na sa kaniyang kwarto.

Ilang oras na siyang nakahiga ay hindi man lamang siya dalawin ng antok. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw kaya nagpasya siyang lumabas para uminom.

Pagkatapos uminom ay agad na siyang lumabas ng kusina. Muntik na siyang mapasigaw ng makabanggaan niya si Shunichi. Mabuti na lamang at mabilis nitong natakpan ang kanyang bibig.

"Sorry, nagulat yata kita." hinging paumanhin nito bago tumuloy sa kusina. Sumunod siya rito, baka kasi may ipag-uutos ang amo.

"Okay lang po." mahinang sabi niya habang nakayuko. Naramdaman niya ang pagtitig ng amo kaya bigla siyang napatingin dito.

"Ahm, may ipag-uutos po ba kayo?" tanong niya rito.

"Gusto ko ng ramen, meron ba tayo no'n?" tanong nito sa kaniya.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon