Kabanata 17

2.2K 61 2
                                    

Maagang umalis si Shunichi nang araw na iyon. Marami raw kasi itong aasikasuhin sa opisina.

Halos isang buwan na rin silang nakatira sa bahay nito.

At halos isang buwan na rin pero hindi pa siya dinadatnan. Kaya nagpasya siyang pumunta sa doktor pagkatapos niyang magluto.

Kahit naman may kasambahay si Shunichi ay tumutulong pa rin naman sila sa mga gawaing bahay. Nakakahiya sa binata kung magbubuhay señorito at señorita sila doon.

Pagkatapos magluto ay kaagad siyang nag-ayos ng sarili at kaagad na pumunta ng ospital.

Pagkarating ay nagulat siya nang makita si Diane doon.

Buntis ito.

Hindi niya sana ito papansinin kaya lang ay hinarangan na agad siya nito.

"Gusto kitang makausap." sabi nito sa kaniya.

"At bakit?" mataray tanong niya rito.

"Gusto kong humingi ng sorry." sabi nitong parang labas sa ilong. Sarap talagang sabunutan ng babaeng ito.

"Diane, kung ano man ang nangyari noon wala na iyon sa akin. At ang mga ginawa sa akin ni Bryan ngayon, labas ka na doon." naiinis na sabi niya rito.

"Buntis ako Rian." naiiyak na sabi nito sa kaniya.

"Ano namang pakialam ko kung buntis ka?" mataray na sabi niya rito.

"Kailangan ng anak ko ng ama." humahagulgol na sabi nito na siyang ikinatingin ng mga tao sa paligid nila.

"Edi kausapin mo 'yong nakabuntis sayo." naiinis na sabi ni Rian bago nagsimulang maglakad.

"'Yon ay kung papayagan mo akong kausapin si Shun." para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito.

"Anong sabi mo?" natatawang tanong niya rito.

"Buntis ako, halata naman diba? At si Shun ang ama." malakas niyang sinampal si Diane.

"Wag mong ipaako sa boyfriend ko 'yang bastardo mong anak!" nanlalaki ang mga matang sabi niya rito.

"Totoo ang sinasabi ko Rian! May nangyari sa amin ni Shun, nung bumalik siya dito sa Manila! Kaya sa ayaw o sa gusto mo si Shun ang ama ng dinadala ko!" sabi nito at iniwan siyang di makapaniwala sa mga nalaman.

Ayaw niya itong paniwalaan dahil minsan na siya nitong niloko. Pero bakit parang may nag-uudyok sa kaniyang maniwala sa mga sinabi ni Diane?

Inalis na muna niya sa isipan ang mga sinabi ni Diane at nagpatuloy sa pagpasok sa ospital.

"Congratulations hija. You're two weeks pregnant." masayang sabi sa kaniya ng doctor. Gusto rin niyang matuwa pero hindi niya magawa dahil naalala na naman niya si Diane.

Nagpasalamat na lamang siya sa doctor bago umalis ng ospital.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Hangga't hindi niya nakakausap si Shunichi ay hindi siya matatahimik.

Pagkarating sa bahay ay kaagad siyang pumasok sa kwarto.

Parang gustong tumulo ng luha niya sa mga oras na iyon. Pinilit niyang pigilan ang pag-iyak.

Kinagabihan ay dumating ang binata. Hindi siya sumabay sa hapunan ng mga ito. Nagdahilan siyang masakit ang ulo niya.

Maya-maya lamang ay narinig niya ang pagpasok ni Shunichi sa kanilang kwarto.

"Babe masakit pa ba ulo mo?" tanong nito habang hinahaplos siya sa balikat. Pinikit lamang niya ang kaniyang mga mata. Natatakot siyang magtanong. Dahil hindi niya alam kung anong mararamdaman sa isasagot nito.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon