Kabanata 24

2.4K 50 0
                                    

"Sigurado ka bang hindi ka na papasok?" tanong niya kay Shunichi. Nakahiga lamang kasi ito sa sofa nila habang nakatutok ang mata sa pinapanood nito.

"Oo nga, babantayan nga kita diba? Baka bigla na namang sumakit iyang tiyan mo." sagot nito sa kaniya sabay upo sa sofa.

"Salamat." sabi niya rito sabay yakap.

"I love you." sabi ni Shunichi sa kaniya.

"I love you too." ganti niya rito.

"Sana ganito na lang palagi noh? Wala na sanang gulo." sabi niya bigla kay Shunichi.

"Wag kang mag-alala, wala nang gugulo sa atin." sabi nito sabay yakap sa kaniya.

Sana nga wala na. Sana nga tapos na.

Gusto niyang lumabas ang baby nila na mapayapa. Tama na ang naranasan nila. Ayaw niyang maranasan pa ulit iyon ng anak nila ni Shunichi.

Kinabukasan ay maagang nagpaalam sa kaniya si Shunichi na may aasikasuhin lang daw ito sa opisina. Pero kaagad din naman daw itong babalik para alagaan siya.

Nang makaalis ang binata ay biglang kumabog ang dibdib niya.

Hindi na lamang niya iyon pinansin at naupo na lamang sa living room para manood.

Maya-maya lamang ay nakinood na rin ang nanay at tatay niya.

Halos isang oras na silang nanonood nang dumating si Shunichi.

Sinamahan nya ito hanggang sa kwarto.

"Ang bilis ko diba?" sabi nito sa kaniya habang tinutulungan niya itong magtanggal ng butones ng suot nito.

"Oo nga eh, parang hindi ka naman talaga pumunta." sabi niya kay Shunichi. Tumawa lamang ito nang marinig ang sinabi niya.

"Ang totoo talaga niyan, hindi ko tinapos 'yong mga gagawin ko. Nakakabagot kasi doon. Saka gusto ko lagi kitang nakikita. Nag-aalala kasi ako sayo." sabi nito habang nagpapaamo ng mukha. Napatawa na lamang siya sa ekspresiyon ng mukha ni Shunichi.

"Maliligo ka ba ulit?" tanong niya rito habang kumukuha siya ng susuotin nito.

"Oo eh, hindi mo ako pwedeng samahan, baka madulas ka." nakangising sabi nito sa kaniya.

"Oo na lang. Mauuna na ako sa baba, sumunod ka na lang kapag tapos ka na." sabi niya kay Shunichi. Hinalikan lamang siya nito sa noo bago pumasok sa banyo.

Habang naghihintay kay Shunichi ay inabala niya ang sarili sa pagkain ng ubas. Kasama niya ang kasambahay nila, dahil ang nanay at tatay niya ay lumabas muna para mamasyal sa malapit na park.

"Sana maging maayos ang panganganak mo." nakangiting sabi sa kaniya ni Manang Lydia.

"Sana nga--" napatigil siya sa pagsasalita nang makarinig ng pagputok ng baril.

Hindi kaagad siya nakagalaw dahil sa kabang naramdaman.

"Saan 'yon galing?" tanong niya kay Manang Lydia kahit na alam niyang wala rin itong alam.

"Titingnan ko po." mahinang sabi nito.

Bago pa man makarating si Manang Lydia sa pinto ay malakas na iyong bumukas.

Pumasok ang mama ni Bryan na nanlilisik ang mga mata. May dala itong baril at sa tingin niya'y dito galing ang pagputok kanina.

Napasigaw siya nang biglang sumakit ang kaniyang tiyan.

Ganoon pa man ay ininda niya iyon at kaagad na lumapit sa kinaroroonan ng telepono.

"Shunichi!!!!" sigaw niya bago nagdial ng numero.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon