Sa nakalipas na mga araw ay pinilit ni Rian ang sariling 'wag pansinin ang among lalaki. Kung may ipag-uutos naman ito ay sinusunod na lamang niya at ginagawa ng mabilis.
Amo niya ito, kapag nalaman nito ang nararamdaman niya ay baka tanggalin siya sa trabaho.
Muli niyang pinaalalahanan ang sarili na naroon siya para sa pamilyang naiwan niya sa probinsya. Wala sa plano njya ang makaramdam ng pagkagusto sa amo o kahit na kanino pa man.
Naalala niya bigla ang dating nobyo at ang matalik na kaibigan. Ang buong akala niya ay siya lang. Oo nga, siya nga lang, siya lang ang napili nitong lokohin. Ayos lang naman sa kaniya kung sa ibang babae siya nito ipinagpalit. Ang masakit lang kasi ay sa matalik pa niyang kaibigan. Tama nga ang sabi ng iba, kadalasan kung sino pa ang malapit sayo, 'yon pa ang malakas ang loob na manloko.
Sa naalala ay napagtanto niyang may kaunti pa siyang nararamdaman sa dating kasintahan.
Nasilaw lamang siguro siya ng kagwapuhan ni Shunichi kaya ganoon na lamang ang nararamdam niya kapag nakikita ito.
"Bakit ka umiiyak?" narinig niyang tanong ni Zerine. Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang tumulo sa kaniyang mga mata.
"Wala po, may naalala lang po ako." mahinang sagot niya rito at pinagpatuloy ang paglilinis ng kwarto ng dalagang amo.
Tumingin lamang sa kaniya si Zerine at nagpaalam na aalis na. Pupunta na siguro ito sa shop nito. Minsan na siyang nakapunta roon. Napakaganda ng mga gowns na nakadisplay sa shop ng amo. Pangarap niyang makasuot ng mga ganoon kahit minsan lamang.
Pagkatapos niyang maglinis sa kwarto ni Zerine ay agad na siyang lumabas. Nagdadalawang isip pa siya kung didiretso sa kwarto ni Shunichi o iuutos na lamang sa mga pinsan ang paglilinis sa kwarto nito.
"Bakit parang hindi ka mapakali?" tanong ng kararating lamang na si Alona.
"Ah, Alona, pwedeng, ikaw na muna ang maglinis ng kwarto ni Sir Shun?" sabi niya sa pinsan.
"Bakit sa kaniya mo inuutos? Ano bang gagawin mo?" nanayo ang balahibo niya nang marinig ang boses ng binatang amo.
Marahan siyang lumingon dito. Nakita niya ang nagtatanong na mukha ni Shunichi.
"Wala naman--" hindi niya natapos ang sasabihin nang magsalita ito.
"Ganoon naman pala, sige na, pumasok ka na sa kwarto ko." seryosong sabi nito at bumaba na.
"Anong meron?" takang tanong ni Alona. Umiling lamang siya sa pinsan at iniwan itong nagtataka.
Nang matapos sa paglilinis ay kaagad siyang lumabas nang pumasok si Shunichi. Tumingin lamang ito sa kaniya at agad nang dumiretso sa banyo.
Dahil tapos na rin naman ang gawaing bahay ay tumungo siya sa garden para magpahangin. Mabuti na lang at may swing house doon, kaya hindi siya natatamaan ng sikat ng araw.
Napansin niya ang pag-alis ni Shunichi, kaya napahinga siya ng maluwag. Sana ay maging abala ito sa opisina para hindi niya na ito maabutan mamayang gabi.
"Parang meron talagang nangyayaring hindi ko alam." nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Alona.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" iritang tanong niya rito.
"Bakit parang ilag ka kay sir Shun? At saka bakit ganoon din siya sayo? Sa amin naman mabait siya. May ginawa kang masama ano?" mabilis na tanong nito. Tinawanan lamang niya ang sapantaha ni Alona. Pero makulit talaga ang babae at ilang ulit pa siyang tinanong.
Dahil sa pamimilit ng pinsan ay wala siyang nagawa, kaya ikinuwento niya rito ang mga nangyari.
"Oh my gosh! Talaga? Matamis ba?" malaki ang ngiting tanong nito.
![Road To My Forever [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/163012256-64-k402849.jpg)