Kabanata 15

2.3K 73 0
                                    

"Anak, magpahinga ka na muna sa bahay. Ako naman ang magbabantay sa tatay mo." sabi sa kaniya ng nanay niya.

Gusto niyang maiyak. Inatake ng alta presyon ang tatay niya, pero hindi lang iyon. Kasabay pala ng high blood nito ay ang atake rin sa puso. Mabuti na lang nga raw ay naisugod kaagad sa ospital.

"'Nay, dito lang ako. Gusto kong magbantay kay tatay. Saka natatakot ako baka, nandoon na naman si Bryan." umiiyak na sabi niya.

Ilang araw na kasi sila sa ospital. Noong unang araw ng tatay niya roon ay umuwi siya sa bahay nila para kumuha ng damit. Halos mapasigaw siya noon nang makita si Bryan na nag-aabang sa kanilang pinto. Mabuti na lamang at saktong dumaan ang mga baranggay tanod na rumuronda.

Kaya ayaw niyang umuwi ngayon. Maging ang mga kapatid niya ay natatakot na rin.

"Wag kang mag-alala anak, sinabihan na nila Tonyo si Kapitan na maglagay ng tanod sa bahay natin. Hindi ka no'n malalapitan ni Bryan." sabi ng nanay niya. Tumango na lamang siya at inayos ang sarili para sa pag-uwi.

Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makita niya sa kanilang bahay ang apat na tanod. Totoo nga ang sabi ng nanay niya. Payapa siyang nakatulog ng gabing iyon dahil may bantay sa labas nila.

Kinaumagahan ay kinabahan siya nang may makitang hindi pamilyar na kotse sa harap.

Kaagad siyang pumasok sa kankyang kwarto at sinarado iyon. Nanginginig siya sa takot sa isiping baka si Bryan iyon.

Nagkaroon na yata siya ng phobia sa lalaki.

Pinalipas na muna niya ang ilang oras bago lumabas. Kailangan niya na kasing pumunta sa ospital.

Malakas na sigaw ang pinakawalan niya nang may bigla humawak sa kaniyang braso at yakapin siya.

Pinagbabayo niya ang dibdib niyon habang nakaupo sila sa sahig dahil sa sobrang takot.

"Rian, Babe, ako 'to." napatigil siya sa narinig at tumingin dito. Kahit nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa luha ay nakilala niya kung sino ang nasa harap.

Napayakap siya rito ng mahigpit dahil sa sobrang takot. Nanginginig pa siya habang umiiyak. Akala niya ay si Bryan na iyon.

"Tahan na. Hindi na ako aalis." pagpapatahan nito sa kaniya.

"Shunichi." paulit-ulit na tawag niya rito habang umiiyak.

Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Shunichi sa kaniya nang lumakas ang hagulgol niya.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa tumahan siya.

"Uuwi na tayo, okay? Sa akin na kayo titira nila nanay." sabi ni Shunichi kay habang hinahalikan nito ang mukha niya. Tumango na lamang siya rito. Mas mabuti nga siguro iyon. Mas ligtas siya kung kasama niya si Shunichi.

Tinulungan siya ni Shunichi sa pagtayo, para makaalis na sila.

"Mauna ka na sa kotse, ilalagay ko lang ito sa loob." tukoy ni Shunichi sa bag na dala nito.

Nauna nga siyang lumabas. Kahit papaano ay nabawasan ang takot niya sa isiping kasama niya na ulit ngayon si Shunichi.

Sasakay na sana siya sa kotse nang may humila sa braso niya.

Si Bryan.

"Saan ka pupunta?" galit na tanong nito sa kaniya. Bumalik ang panginginig niya dahil nakita niya ang lalaki.

"Bitawan mo ako!" sigaw niya rito at ubod ng lakas na sinipa ang lalaki.

Tatakbo na sana siya pabalik sa bahay nang mahagip ni Bryan ang damit niya. Narinig niya ang pagkapunit niyon dahil sa lakas ng pagkakahila nito.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon