Kabanata 16

2.3K 64 0
                                    

Habang nasa biyahe papuntang manila ay ilang ulit niyang tinanong si Shunichi kung sa bahay ba sila nina Zerine titira. Pero hindi ito sumasagot. Lahat ng tanong niya ay nginingitian lamang nito. Hanggang sa nakatulog siya sa tagal ng byahe nila.

Nang magising ay medyo maliwanag na sa labas. Tiningnan niya si Shunichi na nagmamaneho pa rin.

Sila lamang dalawa noon sa kotse. Pinasundo kasi nito ang pamilya niya dahil hindi naman kasi sila kakasya lahat sa kotse nito.

"Itigil mo muna." sabi niya rito. Tumingin ito saglit sa kaniya na parang nagtatanong bago muling itinuon agad sa harap ang tingin.

"Shun, itigil mo muna." malumanay na sabi niya rito.

"Bakit? Magbabanyo ka ba?" tanong nito at itinigil ang sasakyan sa nadaanan nilang ministop.

"Magpahinga ka na muna. Wala ka pang tulog." hapon kasi sila nang umalis sa Bicol. Madaling araw na ngayon at nagmamaneho pa rin ito.

"Pagdating na lang sa bahay." sabi nito habang hawak ang kamay niya.

"Hindi. Magpapahinga ka ngayon." seryosong sabi niya rito.

Napangiti naman ito at binigyan siya ng mabilis na halik bago pumikit.

Pinagmasdan niya lamang si Shunichi habang natutulog. Halata sa gwapong mukha nito ang pagod.

Inabot niya ang mukha nito at marahan iyong hinaplos.

Halos isang oras ring nakatulog si Shunichi. Nang magising ito ay tumingin lamang ito ng mataman sa kaniya.

"Dito ka lang." sabi niya rito at bumaba. Hindi naman umangal si Shunichi at sinundan lamang siya ng tingin habang papasok sa ministop.

Bumili lang siya ng pwede nilang kainin pagkatapos ay kaagad na bumalik sa kotse.

Si Shunichi na mismo ang nagbukas ng pintuan mula sa loob para sa kaniya. Ngumiti naman siya dito pagkatapos.

"Ano yan?" paos ang boses na tanong nito.

Binuksan niya ang bote ng tubig at inalalayan na makainom si Shunichi.

"Nakalimutan kitang tanungin kung anong gusto mo kaya pinili ko na lang yung pwede mong kainin." nakangiwing sabi niya rito habang inaabot ang brownies.

Kinuha naman agad nito iyon at kinagatan. Habang binubuksan niya ang para sa kanya ay bigla siyang napatingin kay Shunichi nang kunin nito iyon at isubo sa kaniya ang hawak nitong brownies.

"I want milk." narinig niyang sabi ni Shunichi habang binubuksan ang kinuha nito sa kaniya.

"Meron sa loob, sandali lang bibili ako." sabi niya rito. Bago siya makababa ay iniabot nito ang credit card nito sa kaniya.

"Wag na, gatas lang naman bibilhin ko." sabi niya rito at ibinalik ang inaabot nito. Nagmadali siyang bumili ng gatas para kay Shunichi. Paborito talaga nito ang gatas.

"Oh." siya na mismo ang nagpainom sa binata dahil abala ito sa pagbukas ng panibagong balot ng brownies.

"Kumain ka rin. Ako lang lagi inaasikaso mo." sabi nito sabay subo sa kaniya ng brownies na kinagatan nito.

"Ikaw lang naman kasi ang nagmamaneho at napapagod." nakangiting sabi niya.

Kinuha nito sa kaniya ang inaabot niyang gatas. Pagkatapos ay uminom siya ng mineral water na binili niya kanina.

"Bakit ang sweet mo?" tanong ni Shunichi habang pinapainom siya ng gatas nito.

"Ayaw mo ba?" tanong niya rito pagkatapos.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon