"Totoo ba ang narinig ko?" malumanay na tanong ng nanay niya.
"N-nay, hindi p-po." nauutal na sabi niya. Nangangati na ang mga palad niya. Gustong gusto na niyang sampalin si Shunichi.
"Pasensya na po kayo, nag-away po kasi kami kaya napauwi siya dito." seryosong sabi ni Shunichi habang nakatingin sa kaniya ng nakaigting ang mga panga.
"'Yon ba ang rason mo Rian kaya ka umuwi? Maiintindihan ko naman anak kung hindi ka pa handang sabihin sa amin ang tungkol sa pag-aasawa mo. Pero kailan ka aamin?" napatayo siya sa sinabi ng nanay niya. Matalim na tingin ang binigay niya kay Shunichi.
"Nay?! Hindi ko po siya asa--."
"Rian, kung may hindi kayo pagkakaunawaan ng asawa mo, hindi naman 'yon dahilan para ikaila mong asawa mo siya. Hala, mag-ayos muna kayong dalawa bago tayo mag-usap." sabi ng nanay niya bago umalis.
"Nay!" tawag pa niya rito pero tuloy-tuloy lang itong lumabas kasunod ang mga kapatid niya.
"Rian."
"Ano pa bang gusto mo?! Bakit kailangan mo pang sabihin 'yon Shunichi??! Ano?! Wala ka bang mahanap na kaibigan na paglili--." hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang kabigin siya ni Shunichi at bigyan ng halik.
Pilit niya itong inilalayo pero sadyang malakas ang binata.
Nang lubayan nito ang labi niya ay bigla naman siya nitong niyakap.
"I miss you. 'Yon lang ang naisip kong paraan para hindi mo ako iwan." bulong nito sa kaniya.
Anong akala nito? Patay na patay siya rito at kapag sinabi nito iyon ay babalik siya ora-orada?
"Shunichi tigilan mo na ako. Tama na 'yong sakit na binigay mo sa akin. Ayoko na." sabi niya at agad na naglakad papunta sa kwarto. Isasarado na sana niya ang pinto ng iharang ni Shunichi ang katawan nito at pilit na pumasok.
Nang makapasok ito ay bigla siyang kinabahan nang ilock nito ang pinto.
"Rian, mag-usap muna tayo ng maayos." sabi nito habang pilit hinahawakan ang kaniyang mga kamay.
"Shunichi wala na tayong dapat pag-usapan. Hindi mo ako ma--."
"Mahal kita." malamig na sabi nito na nagpatulala sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa mukha nito.
"Mahal kita Rian, kaya please, patawarin mo na ako." napatawa siya sa sinabi nito.
"Hindi mo ako madadala sa ganyan. Umalis ka na Shunichi." pigil ang luhang sabi niya rito.
"Rian, totoo ang sinasabi ko." malungkot na sabi nito.
"Sige, totoo ang sinasabi mo. Pero ayoko na." sabi niya at tuluyan na ngang tumulo ang luha niya.
"Magsisimula ulit ako. Liligawan kita kung 'yon ang gusto mo. Gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang." sabi nito sabay halik sa kaniya.
Bahagya njyang itinulak si Shunichi. Tumitig sjya dito habang nakapikit ito at nakadikit ang noo sa kaniya.
"I love you Rian." mahinang sabi ni Shunichi at mabilis pang halik ang ginawa nito bago nagpaalam na aalis.
Sinilip niya sa bintana ang papaalis na binata. Nakita niyang nakasalubong ito ng kaniyang nanay. Nag-usap sandali ang dalawa. Nakita niya ang pagngitian ng mga ito. Tumango si Shunichi sa nanay niya bago ito tuluyang umalis.
"Sabi ko sa asawa mo, dito na siya pumirmi habang hindi pa kayo bumabalik sa maynila." sabi ng nanay niya pagkapasok nito.
"Nay, hindi nga kami mag-asawa." inis na sabi niya rito.
![Road To My Forever [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/163012256-64-k402849.jpg)