Kabanata 18

2.3K 61 0
                                    

"Babe, may event na gaganapin sa company bukas, isasama kita gusto kang makita nila daddy." sabi sa kaniya ni Shunichi. Naikwento na nito sa kaniya ang mga magulang nito. Mababait raw ang mga ito. Pero kahit na sinabi iyon ni Shunichi, hindi niya pa rin maiwasang kabahan nang sabihin nito na gusto siyang makita ng mga magulang nito.

"Okay." nakangiting sagot niya. Hindi siya pwedeng tumanggi dahil darating at darating ang panahon na makikilala niya ang mga ito. Lalo pa't ikakasal na sila ni shunichi.

Bago umalis si Shunichi papuntang opisina ay nagpaalam kaagad siya ritong bibisita siya sa ospital. Kailangan niyang magpacheck up. Bilin kasi iyon ng doctor niya.

Habang nasa sasakyan ay hindi niya maiwasang mapangiti, dahil sa dami ng pinagdaanan nila ni Shunichi ay sa isang masayang relasyon din sila mapupunta.

Hinimas niya ang kaniyang maliit pang tiyan. Natutuwa siya dahil magkakaanak na sila ni Shunichi. Excited na siya sa paglabas ng baby kahit na walong buwan pa ang hihintayin nila.

Naging maayos naman ang kaniyang check up. Wala namang nakitang mali sa pagbubuntis niya.

Bago umuwi ay napagpasyahan niyang dumaan sa mall para maggrocery. Naalala niya kasing wala ng stocks sa bahay nila.

Tinulungan naman siya ng kanilang driver sa paggogrocery kaya hindi siya nahirapan.

Habang nagbabayad sa counter ay hindi siya mapakali. Para kasing may nakatitig sa kaniya.

"Maam okay lang po kayo?" tanong ng driver nila nang makita siya nitong palinga-linga.

"Opo, okay lang po ako." nakangiti naman niyang sagot.

Hanggang sa biyahe at sa pagdating sa kanilang bahay ay hindi maalis ang pakiramdam niyang iyon.

Uminom na lamang siya ng tubig sa pag-aakalang dahil iyon sa pagod.

"Kumusta ang check up mo?" tanong sa kaniya ni Shun kinagabihan nang dumating ito.

"Maayos na maayos. Ano iyang dala mo?" tukoy niya sa paper bag na bitbit nito.

Inabot naman nito iyon sa kaniya at pinabuksan.

"Iyan ang susuotin mo bukas. Si mommy ang pumili niyan." nakangiting sagot nito.

Niyakap naman niya ang binata at hinalikan sa pisngi.

Kinabukasan ay tanghali na siya nagising. Pagmulat pa lang ng mata ay kaagad siyang tumakbo sa banyo at nagduduwal. Naramdaman niya ang paghagod ni Shunichi sa kaniyang likuran. Nang matapos siya ay ito na rin ang nagpunas ng bibig niya at inalalayan siya hanggang sa makapaghilamos at makaupo sa kama.

"Okay ka na ba?" tanong nito pagkatapos siyang painumin ng tubig. Tumango naman siya dito at yumakap sa bewang nito.

"Nagpapalambing ka?" nakangising tanong nito. Tumango lang ulit siya.

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang ulo at ang mahigpit nitong yakap.

Nang sumapit ang hapon ay kaagad na siyang inayusan. Isang simpleng itim na gown ang suot niya na ang mommy pa mismo ni Shun ang pumili.

"Wag kang kabahan, gusto ka nila mommy." nakangiting sabi sa kaniya ni Shunichi nang makarating sila sa kompanya ng mga Dela Vega.

"Anak! Mabuti at nakita kita kaagad. Siya na ba si Rian?" nakangiting tanong ng medyo may edad ng lalaki kay Shunichi. Sa tingin niya ay ito ang daddy ng kaniyang nobyo.

"Yes dad. Ang ganda nya diba?" mahina niyang hinampas sa braso si Shunichi dahil sa sinabi nito. Nagkwentuhan lamang silang tatlo habang hindi pa nagsisimula ang pagtitipon.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon