Kabanata 5

2.7K 72 0
                                    

Shunichi.

Natutuwa siya kapag nakikita niya ang kulitan ng kanilang mga katulong. Halos kaedad lamang ng mga ito si Zerine kaya parang kapatid na ang tingin niya sa mga ito.

Alam ng lahat ng mga kaibigan niya na mabait siya at palakaibigan. Sana ganoon din ang maisip ni Rian. Nahahalata niya kasi ang pag-iwas nito sa kaniya.

"May masama ba sa pagiging palakaibigan?" bulong niya sa sarili habang pababa ng hagdan. Natanaw niya ang magpinsang Alona at Lilibeth. Inutusan niya ang isa sa mga ito na ipagtimpla siya ng gatas. Sumunod naman ang dalawa at sabay na napahagikhik.

Narinig niya ang malakas na boses ni Alona nang malapit na siya sa kusina. Iniuutos nito kay Rian ang iniutos niya rito.

"Alam mo Rian, gustong-gusto ko si Sir Shun, pero dahil mas maganda ako sayo at hindi kami bagay. Sige, sayo na siya." sabi ni Lilibeth bago ito humagalpak ng tawa. Bigla siyang natigil sa pagpasok nang marinig ang sinabi nito. Tumayo lamang siya sa pinto at hinintay ang isasagot ni Rian.

Bakit itinutukso siya ng mga ito kay Rian? May gusto ba sa kaniya ang dalaga? Iyon ba ang dahilan ni Rian kaya iniiwasan siya nito?

"Mga siraulo kayo. Tumigil na nga kayong dalawa sa pang aasar sa akin. Mamaya mapagalitan tayo kapag may nakarinig sa atin dito. At isa pa, gusto ko pa si Bryan. Kaya manahimik kayo riyan." mataray na sabi nito sa dalawa. Nagulat siya sa tono ng boses nito.

"Hala! Si Andrian na ang kausap natin!" pang-aasar pa ng dalawa sa pinsan. May ganoon pala itong ugali.

Sino si Bryan? Iyon ba ang ex-boyfriend nito?

Nanlaki ang mga mata nito ng mapansin siyang nakatayo sa may pinto.

"Sir?!! Kanina pa po kayo dyan?! Ah ititimpla ko na po iyong gatas nyo." awkward na sabi nito. Bago ito magtimpla ng gatas ay tiningnan muna nito ng masama ang dalawang pinsan.

Gusto nyang matawa sa naging reaksyon nito kanina. Para itong nahuli na may ginagawang masama.

Napansin niya ang panginginig ng kamay nito kaya hinawakan niya iyon.

"Matatapon na ang gatas. Bakit ka ba nanginginig? Hindi naman ako nangangain ng tao." nakangiting sabi niya rito. Nakita niya ang pamumula ng pisngi nito.

Hindi na muling sumagot si Rian at tumungo na lamang sa lababo kasama ang mga pinsan.

Kahit medyo may kalayuan sa mga ito ay rinig niya pa rin ang ginagawang pang-aasar ng magpinsan kay Rian.

Nang matapos sa pag-inom ng gatas ay agad siyang lumapit sa lababo para ilagay ang basong ginamit. Nagulat na lamang siya nang maramdaman ang tubig na tumama sa kaniya.

"S-sorry po, hindi ko po sinasadya." nahihiyang sabi ni Rian sa kaniya. Tumingin ito saglit sa damit niya at umiwas rin nang tingin maya-maya lamang.

"It's okay, magpapalit na lang ako mamaya." nakangiting sabi niya rito. Ayos lang naman talaga sa kaniya dahil mababasa rin naman talaga siya. May balak kasi siyang maligo sa ulan. Napakatagal na noong huli niya iyong ginawa.

Iniutos niya sa mga katulong na samahan siya sa paliligo, magmumukha siyang tanga kung mag-isa lamang siyang nagtatampisaw sa ulan.

Bago sumunod ang mga ito ay napansin niya ang ngiting pinakawalan ni Rian.

Akala niya babae lamang ang nakakaramdam na parang may mga paru-parong lumilipad sa kanilang tiyan. Hindi niya akalaing mararamdaman niya iyon sa mga oras na ito.

Napailing na lamang siya at hindi pinansin ang naramdaman. Marahil ay gutom lamang siya.

Kinaumagahan ay hindi agad siya nakabangon. Masama ang pakiramdam niya. Nilalagnat yata siya. Nakuha niya siguro iyon nang maligo sila sa ulan.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon