Kabanata 13

2.2K 59 1
                                    

Araw-araw pumupunta si Bryan sa kanila. Mabuti na lamang at hindi nagpapang-abot si Shunichi at si Bryan.

Pagkaalis kasi ni Shunichi ay darating naman si Bryan. At sa araw-araw na pagpunta roon ni Bryan, himalang nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya.

Hindi na nito ipinipilit ang sarili sa kaniya. Okay lang raw dito na maging kaibigan niya. Nakakapanibago man ay hindi na lamang niya binigyanv pansin iyon.

Kaya dahil nga sa may pinagsamahan naman sila, pinakitunguhan niya ito ng maayos kahit na ba sinaktan siya nito ng pisikal at emosyonal.

Tulad ngayon. Nakangiti itong bumaba ng kotse habang dala-dala ang isang pumpong ng bulaklak at isang kahon ng tsokolate.

"Para sayo, hindi ako nanliligaw ah." sabi nito. Kahit nagtataka sa mga ikinikilos nito ay tinanggap niya ang bigay nito. Tumango na lamang siya bilang pasasalamat.

"Aalis na ako, may importante akong lakad. Dumaan lang talaga ako dito." nakangiting sabi ni Bryan bago umalis.

Kinahapunan ay naglinis siya ng kaniyang kwarto. Nagulat pa siya nang pumasok roon si Shunichi. Tumingin lamang siya rito at ipinagpatuloy ang paglalampaso.

"Tulungan na kita." sabi nito sabay kuha sa kaniya ng bunot.

"Ako na lang, hindi ka marunong niyan." sabi niya at akmang aagawin ang lampaso kaya lamang ay iniwas nito iyon at inilapit ang mukha sa kaniya.

Bigla siyang namula ng maalala ang muntik nang mangyari sa kanila noon.

"Ako na at doon ka na muna sa labas. Baka hindi ako makapagpigil dahil d'yan sa nakikita ko." sabi nito at pilyong tumingin sa dibdib niya. Noon niya lang naalala na maluwang na tshirt nga pala ang suot niya. Kaagad siyang tumayo at nagmamadaling lumabas.

"Ayos ka lang anak, namumula ka?" tanong ng tatay niya nang madaanan siya nito.

"Opo, mainit po kasi sa loob." sagot niya at biglang napalunok. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip niya.

Tinungo niya ang kusina at uminom ng tubig para kumalma siya kahit konti.

Bakit ba kasi sinabi 'yon ni Shunichi? Hindi tuloy maawat ang pintig ng puso niya.

Magana siyang kumain kinagabihan. Kahit na naiilang siya sa pagtingin-tingin ni Shunichi sa kaniya. Pagkatapos kumain ay kaagad naman siyang nagpaalam na papasok na sa kwarto.

Pinilit niya ang sarili na makatulog agad bago pumasok si Shunichi. Baka kung ano na namang kalokohan ang sabihin nito.

Pinanatili lamang niyang nakapikit ang kaniyang mga mata nang pumasok si Shunichi.

Maya-maya ay naramdaman niya ang paggalaw ng papag. Siguro ay matutulog na rin ito.

"Rian, alam ko gising ka pa." napasinghap si Rian pagkatapos ay biglang napatayo nang maramdaman ang hininga ni Shunichi sa batok niya.

Napansin niya ang pagtawa nito ng mahina. Kaya nahampas niya ito ng unan.

"Sorry, okay?" natatawang sabi nito at biglang humiga. Napadaing naman ito dahil sa sakit. Nakalimutan yatang hindi kutson ang hinihigaan.

"Yan kasi." pang-aasar niya dito at naupo sa kabilang side ng papag at hinaplos ang likod nito.

"Bukas bibili tayo ng kama." sabi nito ng nakangiwi. Napatingin naman siya rito.

"Dito nga, diinan mo." sabi nito at iginiya ang kamay niya sa magkabilang balikat nito.

"Ginawa mo pa akong masahista mo." pagtataray niya dito at pinisil ng malakas ang balikat nito.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon