Kabanata 12

2.3K 54 0
                                        

Sa mga nakalipas na araw ay lagi pa rin siyang kinukulit ni Shunichi.

Aminin man niya o hindi ay unti-unting nababawasan ang galit niya rito.

Palagi itong nakaalalay sa kaniya kahit saan siya pumunta. Malambing din ito na minsan ay ikinaiinis niya.

Lagi niyang pinaaalalahanan ang sariling wag nang umasa. Baka naroon lamang ito para bumawi at makuha ang pagpapatawad niya.

Mag-isa lamang si Rian sa bahay nang dumating si Bryan.

Wala ang pamilya niya. Ang nanay niya ay nasa bahay ng tiyuhin niya kasama ang kaniyang tatay. Si Shunichi naman ay inihatid sa eskwelahan ang kaniyang mga kapatid.

Napaaray siya nang hawakan siya ni Bryan sa braso. Pakiramdam niya ay matatanggal iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.

"Asawa?!! May asawa ka?!! Di ba ang sabi ko akin ka lang?!!!"sisigaw sana siya kaya lang bigla siya nitong sinakal.

Naluluha na siya dahil sa pagkakasakal nito. Hindi siya makahinga.

"Akin ka lang Rian!!!" sabi pa nito at hinigpitan pang lalo ang hawak sa kaniyang leeg.

Pakiramdam nya ay mawawalan na siya ng malay.

"Sino?! Sino 'yong lalaki mo??!" tanong nito. Ubo lamang siya ng ubo nang bitawan nito ang leeg niya.

"Sino sabi??!" sigaw nito sabay hila ng buhok nya.

Hindi sya sumagot. Tulo lang ng tulo ang kanyang luha. Baliw na si Bryan.

"Tandaan mo Rian. Oras na malaman ko kung sino 'yong lalaki mo, mapapatay ko siya. Tandaan mo 'yan." madiing sabi nito sabay bitaw ng malakas sa buhok niya. Muntik nang tumama sa semento ang ulo niya kung hindi lamang niya naitukod ang kaniyang mga kamay.

Umubo siya ng umubo dahil hanggang sa mga oras na iyon ay parang hawak pa rin ni Bryan ang leeg niya.

Maya-maya ay tumungo siya sa lababo para maghilamos. Pagkatapos ay pumasok siya sa kaniyang kwarto para ayusin ang sarili.

Namumula pa rin ang leeg niya.

Inilugay niya ang mahabang buhok para takpan ang pamumula niyon. Tiningnan niya muli ang sarili bago muling lumabas para mag-ayos sa sala.

Pagkalabas niya ay naroon na ang kaniyang mga magulang. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi napansin ng mga ito ang pamumula ng leeg niya.

Sandali lamang ay dumating na rin si Shunichi. Ngumiti ito sa kanya pero umiwas lamang siya ng tingin.

Nagpaalam siya sa kaniyang mga magulang na lalabas muna pero pinigilan siya ni Shunichi.

Hinila siya nito papasok sa kwarto. Malakas nitong isinara ang pinto. Parang masisira iyon dahil sa ginawa ni Shunichi. Kita niya sa mukha nito ang galit.

Napasinghap siya nang pumantay ang mukha nito sa kaniya. Tinitigan muna siya nito ng matagal bago bumaba ang tingin sa kaniyang leeg.

Napalunok siya ng ilang beses nang hawiin nito ang kaniyang buhok at hawakan siya sa kanyang leeg na namumula.

"Who did this to you?" malalim at malamig ang boses na tanong ni Shunichi habang pinararaanan ng daliri ang kaniyang leeg. Ramdam niya ang galit ni Shunichi.

"Sino Andrian?"

Hindi siya makasagot dahil sa mga mata nitong nakatitig sa kaniya.

"Sino?!" nagulat siya sa malakas nitong sigaw.

"Si B-bryan." nanginginig na sagot niya. Natatakot siya kay Shunichi.

"Si Bryan." halos pabulong na sabi nito.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon