Kabanata 19

2.1K 54 0
                                        

Nagising siya sa isang madilim na lugar. Naramdaman niya si Aris na nasa tabi niya. Bagong gising rin ito. Ang huling natatandaan njya bago sila mapunta doon ay ang pagpukpok ni Bryan ng baril kay Aris sa ulo at pagtakip ng kung anong bagay sa kaniyang ilong.

"Bryan!! Pakawalan mo kami!!!" malakas niyang sigaw habang nakagapos sila ni Aris.

Ikinulong sila nito, tingin niya'y isang lumang warehouse iyon. Madilim doon at maingay dahil sa tunog ng mga kuliglig at daga.

"Shit! Ang sakit na ng kamay ko!" narinig niyang sabi ni Aris.

Napatingin siya rito bigla nang may marinig na tunog na nagmumula dito.

"That's my phone!" sabi nito bigla at pinilit na kuhanin ang cellphone sa likurang bulsa ng pantalon nito.

Bigla siyang nabuhayan ng loob dahil doon. Tinulungan niya itong makuha ang cellphone.

Mas lalong lumakas ang loob niya ng makitang tumatawag si Shunichi.

"Shun! F*ck! Help us!" nahihirapang sabi ni Aris sa kabilang linya.

"Where are you? Where's Rian?!" narinig niyang sigaw ni Shunichi.

"She's with me. Shun we need your help. Na-kidnapped kami. Nasa isang warehouse kami. Hindi ko alam kung saang lugar to." sabi ni Aris.

"What?! Si Bryan ba??! Gusto kong makausap si Rian! Babe?!!" napasigaw siya ng malakas nang may biglang kumuha ng cellphone.

"Hi Dela Vega. Gusto mong makausap si Rian? Mamaya na, pakinggan mo muna kami." kinilabutan siya sa sinabi ni Bryan.

"F*ck! Don't touch her!!!" sigaw ni Aris, habang hinahawakan siya ni Bryan sa mukha.

"Bryan!!!!!" narinig naman niyang sigaw ni Shunichi. Nanginginig na talaga siya sa sobrang takot.

Napasigaw ulit siya ng sirain ni Bryan ang suot niyang wedding dress. Lumitaw ang kaniyang mga hita.

"Bryan please tama na!" sigaw niya rito. Nakita niyang pilit inaabot ni Aris ng sipa si Bryan.

"Bryan!!! Itigil mo na 'yan! Kapag may nangyaring masama kay Rian at kay Aris, papatayin kita!!!" sigaw ni Shunichi sa kabilang linya. Hindi na sumagot si Bryan. Bigla na lamang nitong binato ang cellphone ni Aris.

"Bryan, maawa ka, buntis ako, buntis ako." umiiyak na pakiusap niya rito.

"Wala akong pakialam!" nakangising sabi nito.

"Baliw ka!! Baliw!!" sigaw niya rito. Isang napakalutong na sampal ang ibinigay ni Bryan sa kaniya na halos ikatanggal ng kaniyang panga.

"Shit! No, f*ck you!" sigaw ni Aris nang malakas siyang sampalin ulit ni Bryan. Nahilo siya sa lakas ng pagkakasampal nito.

"Manahimik ka!" sigaw nito kay Aris. Binigyan nito ng ilang suntok at sipa si Aris.

"Bryan! Tama na!!" sigaw niya rito ng makita niya ang pagdura ng dugo ni Aris.

"Boss ako ng bahala dito sa lalaki. Magpakaligaya ka na muna riyan." napatingin siya sa bagong dating. Lalo siyang natakot nang ngumisi ito sa kaniya.

Kaagad nitong kinalagan si Aris at sapilitang inilayo.

"Saan niyo siya dadalhin?!! Aris!!!!" sigaw niya habang umiiyak na nakatingin sa papalayong lalaki at kay Aris.

"Saglit lang naman tayo kaya makikita mo rin agad 'yong Aris at ang asawa mo." nakangising sabi ni Bryan.

"Napakagago mo! Baliw ka na talaga!" nasigaw siya nang suntukin siya nito sa tiyan.

Napaiyak siya dahil sa sakit at sa isiping baka mawala ang baby niya.

Road To My Forever [COMPLETED] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon