Kabanata 21

2.1K 51 2
                                    

"Time of death--"

"Doc!!" hindi niya pinansin ang tumawag sa doctor. Humahagulgol lamang siya sa mommy ni Shunichi.

"Nagrespond po ang pasyente." napatigil siya sa pag-iyak dahil sa sinabi nito.

Nagtatakang tumingin ang doktor sa nurse.

"Kahit tingnan niyo pa po." sabi nito sabay turo sa operating room.

"Sandali lamang po." paalam ng mga ito sa kanila.

Buhay siya? Buhay si Shunichi?!

Maya-maya lamang ay lumabas na ang doktor na bakas ang pagkamangha sa mukha nito.

"This is the first time na mayroong ganitong case. Patay na siya for about twenty minutes. Dahil sa balang nasa puso niya kanina at sa dami ng nawalang dugo.  Siguro nga may himala, dahil after twenty minutes, nagrespond siya. Siguro hindi rin siya payag na mawala siya lalo pa't maiiwan niya ang kaniyang mag-ina." sabi ng doktor habang nakangiti ng malaki sa kaniya. Napahagulgol siya sa sinabi nito.

"B-buhay si S-shunichi?!" nauutal na sabi niya dahil sa pag-iyak.

"Yes po, maghintay lang po kayo ng ilan pang saglit, ililipat na po namin siya maya-maya sa private room niya." sabi ng doctor at saka umalis.

Bigla na naman siyang napaiyak, at dahil na iyon sa tuwa.

Gaya nga ng sabi ng doctor, saglit lang silang naghintay. Kaagad silang pumasok sa kwarto ni Shunichi.

Parang gusto na naman niyang maiyak nang makita ang natutulog na binata.

Hindi kaagad siya nakalapit dito. Tahimik lamang siyang nakatingin kay Shunichi.

Maya-maya ay napansin siya ng mga kasama nila, kaya nagpaalam na muna ang mga itong pupuntahan si Aris.

Nang maiwan sila ni Shunichi ay hindi na maawat ang kaniyang luha. Sinisisi niya ang sarili kung bakit iyon nangyari sa nobyo. Nadamay pa pati ang matalik nitong kaibigan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na binata. Hinawakan niya ang mukha nito at hinalikan sa noo.

"Babe, I'm sorry." umiiyak na bulong niya habang hinahalikan ang mukha nito sabay yakap.

Halos tatlong araw lamang ang kanilang hinintay at nagising na si Shunichi. Hindi niya pa malalaman kung hindi siya pinuntahan ni Veron sa opisina ng doctor. Nagpacheck up kasi ulit siya.

Nagkatitigan lamang sila ni Shunichi pagkapasok niya sa kwarto nito. Gusto na naman niyang maiyak nang ngumiti ito sa kaniya.

Kaagad na nagsialisan ang mga naroon nang dahan-dahan siyang lumapit kay Shunichi.

"Babe." nakangiting tawag nito na tuluyang nagpatulo ng luha niya.

"Sorry." umiiyak na sabi niya sabay yakap dito.

"It's okay honey, wag ka na umiyak." sabi naman ni Shunichi habang binibigyan siya ng mumunting halik sa mukha.

"Paano kung nawala ka? Paano na kami ng anak mo? Kasalanan ko ito eh, kasalanan ko lahat." niyakap lamang siya nito ng mahigpit.

"Ano ba, okay na nga diba? Buhay pa ako, nakakahinga, at hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Kasalanan ito lahat ni Bryan." malumanay na sabi nito sa kaniya at hinawakan siya sa pisngi.

Umiiyak na tumango lamang siya rito at yumakap ng mahigpit.

"Kumusta ka? May masakit pa ba sayo? Si baby? Okay lang ba sya?" nag-aalalang tanong nito habang hinahaplos ang kaniyang tiyan.

Road To My Forever [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon