Kabanata 10

2.4K 73 3
                                        

Two weeks na mula nang makauwi siya. 'Yong mga kapitbahay nila kung ano-anong pinagsasasabi.

Baka raw umuwi siya dahil may ginawang kasalanan sa amo. Natatawa na lang nga siya sa mga tsismis ng mga ito. Lalo na sa sinabi ng isa nilang kapitbahay. Baka raw nabuntis siya at umuwi ng Bicol para ipalaglag 'yong bata dahil ayaw daw siya panagutan ng ama nito.

Kung hindi lang siya ngayon malungkot baka nasupalpal niya na ang mga ito.

"Anak, may bisita ka." mahinang sabi ng kaniyang nanay.

Lumabas siya ng kaniyang kwarto para makita kung sino iyon.

"Andi." nakangiting mukha ni Bryan ang nakita niya.

Gaya nga ng sabi niya dati, hindi naman siya galit dito.

"Bakit nandito ka?" tanong niya sa dating nobyo.

"Gusto sana kitang makausap." seryosong sabi nito. Tiningnan niyang mabuti si Bryan. Gwapo naman ito. Pinoy na pinoy ang hitsura. Pero kung itatapat mo ito kina Shunichi, Huedrex at sa iba pa nitong kaibigan. Walang panama ang dati niyang nobyo.

Sinuway niya ang sarili sa muling pag-alala sa binata.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong na lamang niya at umupo sa munti nilang sala.

"Tungkol sa atin." napatingin siya rito nang marinig ang sinabi nito

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa tungkol doon Bryan." malamig na sabi niya rito.

"I'm sorry okay? Wala na kami ni Diane, gusto kong makipagbalikan sayo." parang gusto niya tuloy bawiin ang sinabi niyang hindi siya nagagalit dito.

"Naririnig mo ba yang sarili mo? Ikaw makikipagbalikan sa akin? Bryan ayaw ko na." madiing sabi niya rito.

Maya-maya ay dumaan ang kaniyang nanay at nagpaalam na aalis muna para mamalengke. Ginawa siguro iyon ng nanay niya para hindi ito makaistorbo sa pag-uusap nila ni Bryan.

Wala ang tatay niya, nasa kapitbahay at nakikinood ng tv. Ang dalawa naman niyang kapatid ay nasa eskwelahan.

"Pero Andi, mahal pa kita." napaismid siya sa sinabi nito.

"Mahal? Bryan ko mahal mo pala ako, bakit kinailangan mo pa akong ipagpalit sa bestfriend ko?!" malakas ang boses na sabi niya rito.

"Kaya nga sorry diba?" naiinis siya sa lalaki. Nakakabwisit ang mga pinagsasasabi nito.

Anong akala nito? Na tatanggapin niya ito ng buong puso? Kung dati nito iyon ginawa baka siguro pumayag siya. Pero dahil nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari sa kanya sa manila, ay ayaw niya na.

Ayaw niya na magmahal. Puro sakit lamang ang isinusukli sa kaniya ng mga lalaking minamahal niya.

"Bryan, pwede naman tayong maging magkaibigan." sabi niya rito.

"Hindi. Mahal kita Andi, gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka ulit." sabi nito at umalis na.

Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito.

Ganoon na lang ba lagi ang mararamdaman niya sa mga ito. Kilabot, sakit, at kung ano-ano pa?

Napahinga siya ng maluwag nang mapag-isa na lamang siya.

Sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari.

Kinabukasan ay pinilit niya ang sariling maging maayos. Dinala niya ang pamilya sa SM. Kahit naman nasa probinsya sila may ganoon pa rin naman doon.

Mabuti na lang at malaki-laki rin ang naipon nya.

"Ate, gusto ko nung chicken joy." masayang sabi sa kaniya ng bunsong kapatid. Sa pagkakatanda niya ay ito ang unang beses na nakapasok doon ang pamilya niya.

Road To My Forever [COMPLETED] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon